Filtered By: Showbiz
Showbiz

Louise delos Reyes: 'If you're really happy, you don't have to flaunt it'


Diretsahang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise delos Reyes kung sila pa rin ng Hale lead vocalist na si Champ Lui-Pio.

Natatawang sagot ni Louise, “No comment! Basta I’m happy... I’m happy being with someone. Steady lang.”

Ayon sa Kapuso actress, “madaming factors” kung bakit mas gusto niyang maging pribado ang kanyang buhay-pag-ibig.

“First, siyempre nakakatulong siya sa relationship — mas tahimik.

“And second, if you’re really happy, you don’t have to flaunt it.”

Nakapanayam ng PEP si Louise sa kanyang 24th birthday celebration na ginanap sa Coffee Project cafe and restaurant sa Quezon City, Biyernes ng hapon, Setyembre 16.

Aminado si Louise na naranasan na niya ang magmahal nang todo sa isang karelasyon.

At natutunan daw niyang hindi dapat nakasentro sa pakikipagrelasyon ang buhay ng tao.

“Siyempre nag-mature na rin ako — yung patience, yung pagiging hindi clingy, yung understanding lalo na pagdating sa trabaho.

“Mas genuine yung happiness.”

Hindi raw siya clingy girlfriend.

Paliwanag ni Louise, “Kasi alam niyo, mahirap kasi magkaroon ng karelasyon na parang hinahanap pa niya yung sarili niya.

“So, now na medyo alam mo na kung ano yung happiness mo, it doesn’t mean na kapag hindi tayo magkasama, hindi tayo okey.

“I have my own time, you have your own time. You have a different set of friends. I have my own friends. Puwede [rin] tayong magkasama.

“So, parang understanding lang and loving each other in a mature way.”

Mahalaga rin para kay Louise ang pagiging tapat sa kanyang core values.

Dugtong ng Kapuso actress, “And also, dapat ang center niyo, si God.

“Kasi kunyari, perfect example is kapag nagkaroon kayo ng problema and you hold on to each other’s hand. Kapag may bumitaw na isa, paano kayo? Lalaylay?

“So, kahit bumitaw man yung isa, [dapat] alam mo pa rin sa sarili mo na magiging okey.” -- For more showbiz news, visit PEP.ph