Andrea Torres still mum about rumored romance with Sef Cadayona
“Happy,” nakangiting sagot agad ni Andrea Torres nang kamustahin ang lagay ng puso niya.
Obvious kay Andrea na ang tinutumbok ng tanong ay si Sef Cadayona na tatlong taon nang nali-link sa kanya.
Kaya mabilis man ang naging sagot niya ay malayo sa context ng tanong ang paliwanag ni Andrea.
Aniya, “Oo, happy kasi I feel blessed. Every time na may work ako or almost every day na nagti-taping ako, 'yun ang happiest time ko. Feeling ko, napu-fulfill ang mga pangarap ko, gumagalaw siya habang tumatagal.”
Matagal na rin sila, di ba?
“Sino po?” natawang sagot niya.
Tatlong taon nang masaya ang puso niya?
“Matagal na naman pong masaya,” sagot niyang muli.
Career wrecker?
Maski si Sef ay tahimik at walang inaamin kung anuman ang mayroon sa kanila ni Andrea.
Samantala, may mga kaibigan sila sa GMA na hindi man nagko-confirm ng relationship status nila ay nagpu-post naman ng mga larawan sa Instagram na magkasama ang dalawa.
Halimbawa na nga sina Megan Young at Mikael Daez, gayundin sina Pancho Magno at Max Collins.
Hirit tuloy ng press kay Andrea, hindi ba siya proud kay Sef?
Sabi niya, “Wala naman po talaga kaming maipu-post, kapag Bubble Gang lang po kami magkasama. Kapag Bubble Gang naman po, nagpu-post kami.”
Dugtong pa ni Andrea, “Matagal na naman po kaming friends, matagal na kaming close. At dati ko pa naman sinasabing close kami.”
Sa palagay ba ni Andrea, nakakasira sa career ang pagiging open sa love life?
Sagot niya, “Hindi naman, bakit naman po si Ate Yan [Marian Rivera]? Kanya-kanyang preference. Ako naman po, depende sa karelasyon, kung saan siya comfortable."
“Parang feeling ko, if ever may boyfriend ako, balanse lang. May part na isi-share mo, may part na sa inyo lang.” —PEP
For more showbiz stories, visit PEP.