Geneva Cruz returns to the Philippines
Balik-Pilipinas si Geneva Cruz, na nakabase ngayon sa US kasama ang kanyang dalawang anak.
Ipinost ni Geneva sa Instagram ang pagdating niya sa Pilipinas noong September 1, Huwebes.
Walang sinayang na panahon ang singer-actress, nakipagkita at nakipag-bonding siya sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak, base na rin sa kanilang posts sa social media.
Halimbawa na lamang ang pakikipagkita niya sa kaibigang si Rachelle Alejandro at sa talent manager na si Girlie Rodis.
A photo posted by Geneva Cruz (@genevacruzofficial) on
May mga post din sa social media ng pakikipagkita ni Geneva sa kanyang mga pinsan, kagaya ni Sunshine Cruz at sa mga anak nito.
Welcome home @genevacruzofficial. Missed you so much ??
A photo posted by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on
Hindi naman tinukoy kung hanggang kailan mananatili sa Pilipinas si Geneva, na nagtatrabaho bilang isang weight-loss coach sa US at nagpe-perform din sa mga show doon.
Single mom si Geneva ng dalawa niyang anak: ang teenager na si Heaven, anak niya sa drummer na si Paco Arespacochaga, at ang toddler na si London, na anak naman niya sa Fil-Australian na si Lee Paulsen.
Unang nakilala si Geneva bilang bahagi ng grupong Smokey Mountain noong ‘90s bago siya sumabak sa pagso-solo at pinasok ang pag-arte.
Bukod kay Sunshine, pinsan din ni Geneva sina Sheryl Cruz at Donna Cruz. —PEP
For more showbiz stories, visit PEP.