Filtered By: Showbiz
Showbiz

Barbie Forteza hints at breakup with Kiko Estrada


 

Hindi pa man diretsahang umaamin sina Barbie Forteza at Kiko Estrada tungkol sa napapabalitang relasyon nila, tila ipinararating na ng Kapuso Teen Queen na nagtapos na ang kanilang pagkakamabutihan.

Paputul-putol at tila nagdadalawang-isip si Barbie sa pagsagot nang tanungin siya kung kumusta na sila ng aktor.

Aniya, “I am… I am ano… I am… I’m single and happy.”

Diretsahan tuloy siyang tinanong kung break na ba sila ni Kiko.

“Bakit… wala akong sinabi!” paiwas niyang sagot.

Single and happy siya; meaning, wala siyang karelasyon?

“Wala.”

Ano ang nangyari sa kanila ni Kiko?

“Well, ayoko munang magsalita!” at tumawa ang Kapuso Tween Queen.

Diin pa niya, “Ayaw, I don’t like. Hanggang dun lang. Ayoko na munang pag-usapan.”

So, wala siyang karelasyon ngayon?

“Wala.”

Matatandaang nito lang Mayo napabalitang sila na ni Kiko.

Gaano katagal na siyang single?

“Secret!” natatawang sagot ni Barbie.

May isang buwan na ba?

“Secret! Basta, basta… Next time, next time. I’m happy naman. Well, I need to be,” makahulugang sabi ni Barbie.

Bakit hindi niya maipaliwanag nang mabuti ang mga nangyari?

“Hindi, iyon kasi yung mga bagay… alam niyo naman ako, very open naman ako sa inyo.”

Bakit ngayon ay hindi siya maka-open up?

“E, it’s too personal. Ganern! Nakaka-babae pag ganun, pag masikreto. Ganern!” tawa na naman niya.

Magkaibigan pa rin ba sila ni Kiko?

“Hindi pa kami nagkikita,” sagot niya.

Sabi ni Barbie ay masaya naman siya; na-realize ba niyang mas okay siya kapag wala munang boyfriend?

Saad niya, “Ever since naman… hindi, I mean, like, mas matagal akong naging single. So, para sa akin, siguro balik lang sa dati. Pero mas ano lang ako ngayon siguro, mas may experience na."

“Next time, na medyo matatagalan bago maulit.”

Na natuto na siya?

“Oo, ganun.”

Iniyakan ba niya ang breakup nila?

“Secret!” at muling tumawa ang young actress.

“I need a lawyer. Charing!”

May nanliligaw ba sa kanya ngayon?

“A, wala, wala! Huwag na muna, ayoko muna, utang na loob! Teka lang.”

Paano niya itinataboy ang mga manliligaw?

“Hindi ko naman itinataboy. Pero hindi naman… Parang ine-explain ko naman sa kanila na hindi naman ako ganun, na… teka muna, fresh pa, e!”

Wala na bang chance na magkabalikan sila ni Kiko?

Sagot ni Barbie, “Hindi ko pa alam, hindi ko pa masagot. Kasi parang… hindi naman ano, e, walang nagta-try mag-approach.” — PEP

For more showbiz stories, visit PEP.