Tom Rodriguez reveals his father's fight with cancer
Inamin ni Tom Rodriguez na may lung cancer ang kanyang ama.
Ito raw ang dahilan kung bakit nais muna niyang ayusin ang ilang bagay na may kinalaman sa kanyang pamilya bago lumagay sa tahimik.
Pahayag ng Kapuso actor, “My dad, this past year, has been battling cancer."
“So, iyon yung sinabi ko kay Daddy, ‘Hey, you better... hurry up, magpagaling ka because I wanna take you here.' Doon sa dream niyang bahay sa Subic where he spent a lot of his time din. Iyon ang pinagtatrabahuan ko ngayon.”
Balak daw bilhin ni Tom ang naturang bahay para sa parents niya, kaya medyo isinasantabi muna nila ng girlfriend niyang si Carla Abellana ang anumang usapin tungkol sa kasal.
Paglalarawan pa ni Tom sa kanyang ama, “He’s fighting and he’s… what a trooper!”
A FIGHTER
Nagbigay rin ng detalye si Tom sa cancer na dumapo sa kanyang ama.
“It’s a poorly differentiated carcinoma, it’s a sarcoma.”
Anong stage na?
“Ano kasi, si Daddy kasi, siya yung pinakamatapang na taong kilala ko. So, nung naramdaman niya yung sakit, nung nandito siya [sa Pilipinas], nung bumisita siya sa akin, ininda niya lang. Akala niya muscle pain, na-pull lang yung muscle."
“So, for six months, hindi niya tsinek. Nung na-check, progressive na pala, ang laki na nung growth! Na sabi, 8X12, pero nung tinanggal pala ngayon, kasing laki ng heart or bigger, it was a huge mass.”
Kuwento pa niya, “During 'Magtanggol,' suwerte ako kay Popoy [Caritativo, his manager] and kay Ms. Elaine [Lozano], yung producers namin for 'Magtanggol.'"
"Kahit emergency, alam kong malaking bagay 'yung hiningi ko sa kanila at hindi sila naging madamot sa akin, na makauwi ako para sa birthday ng daddy ko nung March at maasikaso siya.”
Sa Arizona, USA nakatira ang mga magulang ni Tom.
THE OPERATION
Kumusta ang ama niya matapos ang operasyon?
Ayon kay Tom, “Now, he’s recovering, he’s a fighter, grabe! Sobrang bilib ako."
“Kung ano yung takot ko dati dahil never pang pinagdaanan namin ito as a family, lalo pa sa pinakamatapang sa aming lahat, na makita namin iyon, kung ano yung takot ko dati, mas lalo akong nabuhayan ng loob kasi nakita ko kung gaano katapang ang tatay ko.”
Seventy-six years old na ang father ni Tom.
“Tapos malakas. He’s recovering pa, so now I have to confirm with my family and with the oncologist. Pero the plan is after ng first round ng chemo, to shrink the growths pareho, they surgically removed it, so they removed four of his ribs, they removed part of his lung para lang safe na walang recurring…"
“And ngayon, they’re gonna go through the chemo na heavy para hindi bumalik."
“We’re really putting our trust in God, and we’re putting our trust in our father’s capability as a fighter. And suwerte kami na maraming doctor and oncologist were involved na sobrang magaling sa trabaho nila."
“At hindi lang yun, may mga alternatibong pamamaraan din kami na medication na nahanap para kay Daddy na sobrang gumagana para sa kanya.” — PEP