Aiko Melendez denies rumored breakup with Iranian boyfriend

(IMAGE @aikomelendez Instagram)
Nilinaw ni Aiko Melendez na going strong ang relasyon nila ng kanyang Iranian boyfriend na si Shahin Amirzapour.
Kaugnay ito ng espekulasyong hiwalay na ang celebrity couple, dahil sa makahulugang relationship quotes na ibinahagi ng aktres sa kanyang Facebook account kamakailan.
May ilan ding netizens ang nakapansin ng biglaang pagpalit ni Aiko ng Facebook profile photo—na dati ay larawan nila ni Shahin ngunit ngayon ay solong larawan na lang ng aktres.
Ngunit sa kanyang Instagram post noong Miyerkules, Agosto 10, ibinahagi ni Aiko ang isang masayang larawan nila ng kanyang Iranian boyfriend.
Sabi ni Aiko sa caption nito: “Yes its still us .... Relax hahahaha :) @shahin_mirzapour_”
May mensahe rin ang aktres sa mga lalaking nais manligaw sa kanya.
Ani Aiko, “Sorry, I am already taken.”
HAPPY AND IN LOVE.
Matatandaang Abril ngayong taon nang kumpirmahin ni Aiko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa relasyon nila ni Shahin.
Sa parehong ulat din nakunan ng pahayag si Shahin, na nagsabing hindi isyu sa kanila ni Aiko ang pagkakaroon ng 12-year-age gap.
Noong Hulyo, naghayag ng saloobin si Aiko tungkol sa pambabatikos na natatanggap niya at ni Shahin mula sa kanilang social media accounts. -- For more showbiz news, visit PEP.ph