Filtered By: Showbiz
Showbiz

Cheska Diaz speaks of son Kiko Estrada dating Barbie Forteza


Hindi raw si Cheska Diaz ang tipo ng ina na nakikialam sa mga nangyayari sa lovelife ng kanyang anak na si Kiko Estrada.

Bilang ina ay nirerespeto raw ni Cheska ang privacy ng anak.

Kapag tinatanong daw siya kung sino ang idine-date ni Kiko, lagi niyang sagot ay hindi niya alam.

Saad ng comebacking actress, “My son is already an adult and he can handle those questions na. When people ask me about his love life, I always say na wala akong alam and they better ask Kiko na lang."

“In fairness sa anak ko, he’s very honest. Hindi niya iniiwasan ang mga ganyang questions kasi wala naman siyang itinatago. Kaya if you want a specific answer, siya na lang ang tanungin ninyo.”

Kahit na raw noong panahong nali-link romantically si Kiko sa young actress na si Kim Rodriguez ay walang kinu-comment si Cheska tungkol sa dalawa.

KIKO & BARBIE. Ngayon ay si Barbie Forteza na ang nali-link kay Kiko, at inamin naman ng dalawa na nagde-date sila.

Saad ni Cheska, “When it comes to Kiko’s love life, as much as possible, hands-off ako. I know my son at kaya niyang sagutin lahat ‘yan."

“I’m happy to hear na nanggaling mismo kay Kiko na he’s dating Barbie. At least, you know, my son doesn’t beat around the bush. Kaya many people admires his honesty."

“Minsan nga, he’s too honest, but I don’t see anything wrong with that,” pagmamalaki ni Cheska sa anak.

Pati ang pag-uusap noon ng mag-amang Kiko at Gary Estrada ay hindi rin daw siya nakikialam.

Maayos naman daw ang relasyon ng mag-ama at kung ano ang plano ni Gary kay Kiko noon ay laging nakasuporta si Cheska.

“Noong bata pa si Kiko, when Gary calls, I always give the phone to my son. Silang dalawa ang nag-uusap parati. Kaya maayos ang communication nila ever since. Never akong pumagitna sa kanilang mag-ama."

“No one can claim na ipinagdamot ko kay Gary ang anak niya. Now that Kiko is of age, direct nang tumatawag si Gary sa kanya."

“I know that Gary is happy for our son. He’s getting the big breaks now and, as a mother, siyempre una akong masaya for him. I always wish my son the best of luck in everything,” sabi ni Cheska. —Pep.Ph

 

Tags: cheskadiaz