Filtered By: Showbiz
Showbiz

Donita Rose admits separation from husband Eric Villarama


Inamin ni Donita Rose na hiwalay na sila ng mister niyang si Eric Villarama matapos ng 12 taong pagsasama.

Nang tanungin kung nakaapekto ang kanilang long-distance relationship sa kanilang hiwalayan, sagot ni Donita, “It's not the long-distance relationship part that led [to our separation]... It's other things too.”

Aminado si Donita na mahigit dalawang taon nilang pilit na inayos ni Eric ang kanilang marriage bago sila tuluyang naghiwalay.

Ngunit hindi raw niya inaasahan ang lantarang pagpalit ni Eric ng Instagram profile picture kasama ang hinihinalang girlfriend nito.

Devastated daw si Donita.

“Well, yeah, absolutely.

“Actually, I only found out when I guested the last time [Good Times With Mo], a couple of days ago.”

Nakapanayam si Donita sa July 12 episode ng podcast program na Good Times With Mo, kung saan ang kanyang best friend na si Mo Twister ang host.

THIRD PARTY? Dito ay tinanong si Donita ng isang caller tungkol sa pagkalat ng larawan ni Eric kasama ang umano'y bagong karelasyon nito.

Base sa Instagram posts ni Eric, bandang Abril nang magsimula siyang magbahagi ng larawan kasama ang isang hindi pinangalanang babae.

Tila matagal nang magkakilala ang dalawa base sa caption ng isa nilang litrato na nagsasabing “26 years later.”

Hindi malinaw kung third party ang naging mitsa nang hiwalayan nina Donita at Eric.

Hindi pa rin daw kasi handa si Donita na magkuwento tungkol sa naging problema nilang mag-asawa.

Ang tanging ibinahagi ni Donita ay ang hirap na kanyang pinagdaanan dahil sa tuluyang pagkasira ng marriage nila ni Eric.-- For full story, visit PEP.ph

Tags: donitarose