Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bea Binene on Derrick Monasterio: 'Binestfriend zone namin ang isa't isa'


 

Malapit nang matapos ang afternoon prime ng GMA-7 na Hanggang Makita Kang Muli (HMKM).

Noong June 20 ay nag-last taping day na ang naturang serye sa Balay Inday, Cavite.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang bida ng serye na si Bea Binene na gumanap bilang si Ana/Angela na isang feral child.

“Nakakalungkot po kasi yun nga, tapos na.

“At the same time, masaya kasi maganda yung naging feedback ng mga tao.

“Masaya and fulfilled dahil kahit papaano, first time na nagkaroon ng ganitong tema sa TV at nagustuhan ng mga tao. Yun po.”

Bukod sa kanyang bag business, mas matutukan daw ngayon ni Bea ang pagpapapayat niya, dahil nga mas may free time na siya.

Plano rin niyang magbalik-eskuwela sa darating na August.

Tungkol sa love life, mas nali-link kay Bea si Jak Roberto kaysa sa leading man niya sa HMKM na si Derrick Monasterio.

Sila na nga ba ni Jak?

“Hindi po,” mabilis naman niyang tanggi.

Ano lang silang dalawa?

“Magkatrabaho,” saad naman niya.

Pero alam niyang may mga kinikilig daw sa kanila dahil nga sa pagsasama nila sa naturang afternoon serye.

Sabi ni Bea, “Nakikita ko po sa Twitter, sa Facebook, maraming naka-tag na photos.

“After nung Facebook Live naming promo, may mga gumawa na ng mga fan page, yung ganun.

“Nakakatuwa kasi, parang unexpectedly may ganun.”

Close ba silang dalawa?

“Sakto lang, nagkukuwentuhan. Ngayon ko pa lang po siya nakatrabaho.”

Nakikita niya ang posibilidad na posibleng mauwi sa romantic na relasyon?

“Ay, ayoko pa pong isipin,” nakangiti niyang sabi.

Tungkol kay Derrick, nasabi ng aktor sa isang panayam ng PEP na matatawag ang pagtitinginan nilang dalawa na "siblings zone."

Ano ang reaksyon dito ni Bea?

“Opo, binestfriend zone namin ang isa’t isa. Parang ganun,” natawang sabi ng ng young actress.

“Kami po kasi ni Derrick, parang sobrang close na po kami so, ganun po talaga.”

Kaya naman naiisip ng iba na sila?

“Naku, hindi po talaga,” natawang sabi niya. -- For full story, visit PEP.ph