ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Nobyo ni Sarah Geronimo, nagsalita sa PEP ukol sa bali-balitang buntis daw ang singer-actress


“It’s 100-percent guarantee, it’s not true.”

Ito ang ang naging pahayag ni Matteo Guidicelli kaugnay sa mga balitang buntis diumano ang kasintahan niyang si Sarah Geronimo.

Sa ulat ni Melba Llanera sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong Huwebes,  sinabing nasa Europe si Matteo nang pumutok ang balitang buntis daw si Sarah kaya pansamantala muna itong mamamahinga sa showbiz.

Pero dahil nasa abroad, sinabi ni Matteo na wala siyang alam sa mga lumabas na balita tungkol sa nobya.

Giit niya, hindi siya dapat mag-react sa isyu dahil hindi naman totoo.

Diin niya, “Wala, wala naman tayong reaksiyon.

“Hindi naman totoo, e.

“Ano naman ang ire-react natin kung hindi naman totoo?

“Some people are just making up stories and stuff.

“It’s 100-percent guarantee, it’s not true.”

Kung sakaling mabuntis man si Sarah, tiniyak ni Matteo na hindi nila ito itatago.

Aniya, “Sarah is okay and we’re both busy with our work

“She’s happy where she is and, you know, she’s been working her whole life."

“So, I think she deserves a break and deserves to be happy also.” -- For full story, visit PEP.ph