Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mark Herras proud of his gay parents


 

 

Hindi ikinahihiya ni Mark Herras na parehong miyembro ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transsexual) community ang itinuturing niyang mga magulang.

Pahayag ng Kapuso actor, “My parents are both gay. I’m proud sa parents ko.

“Hindi naman ako kahit minsan nagkaroon ng bahid.

“Wala akong naging problema na makihalubilo sa gay people kasi yun din ang kinalakihan ko.”

Sinabi ito ni Mark sa press conference ng kanyang upcoming weekly comedy series sa GMA Network, ang Conan My Beautician, nitong Martes, June 21.

Ang kuwento ng nasabing proyekto ay tungkol sa isang straight na lalaki na nagpanggap na bakla.

MARK'S PARENTS. Ang itinuturing na mga magulang ni Mark ay hindi niya biological parents, kundi adoptive parents.

Kuwento niya, “Yung nag-ampon sa akin, yung tito ko, kasi kapatid siya ng nanay ko.

“So, parang hindi na rin siya itinuturing na ampon, it’s like ibinigay ako ng nanay ko sa kapatid niya.”

Mayroon namang karelasyong lalaki ang kanyang tito, na siyang kinikilala niyang “Daddy.”

Pagmamalaki pa ng aktor sa kanyang kinalakihang magulang, “They are the two people na malaki ang impact sa buhay ko na gay.

“Kasi, from baby hanggang ngayon, sila ang kasama ko, well… except from my dad, patay na siya.

“Yung tito ko, kasama ko pa rin.”

Sabi pa ng StarStruck 1 Ultimate Male Survivor, lumaki siyang hindi kinuwestiyon ang nakagisnan niyang mga magulang.

“Hindi ako nagkaroon ng question, pero siyempre, bilang bata, na-expereince ko nung bata sa mall, medyo nahihiya ako, wala pa akong naiintindihan sa buhay.

“Hanggang sa lumaki ako... hindi ko naman siya actually ikinahiya.

“Never kong ikinahiya ang mga magulang ko kahit kanino.

“I’m very proud and I’m very open about telling people kung ano yung background ng family ko.

“I’ve never been ashamed of them. Walang dapat ikahiya.”

Wala rin daw problema si Mark na makisama sa mga gay.

Pero inamin niyang nakatanggap siya noon ng indecent proposals mula sa mga gay, na agad niyang tinatanggihan.

“Magaling po akong makisama and I love gay people, pero ayoko lang po sa part na ganun.”

Hindi raw nagdalawang-isip si Mark na tanggapin ang role sa "Conan My Beautician."

Sabi niya, “Bago siya sa paningin ng tao, bago siya para sa akin.” -- For full story, visit PEP.ph