Filtered By: Showbiz
Showbiz

Cacai sa pag-move on agad sa breakup nila ni Ahron: ' Ano ka, Taylor Swift?'


“It’s better that we cut the ties.”

Ito ang sabi ng comedienne-singer na si Cacai Bautista tungkol sa na-link sa kanyang aktor na si Ahron Villena.

Hindi man inamin ng dalawa noon na naging magkasintahan sila, kinumpirma ni Cacai na nagkaroon sila ng special relationship.

“We were enjoying each other’s company, we were good friends.

“Whatever it was, it was special and we were happy,” pahayag niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cacai sa press conference ng "Conan My Beautician," ang upcoming GMA-7 weekly series na pinagbibidahan nina Mark Herras at Megan Young, kagabi, June 21.

Magsisimula ang nasabing weekly series sa Linggo, June 26, 5 P.M.

CACAI ON MOVING ON. Noong Marso, nag-post si Ahron ng isang mensahe para kay Cacai via Instagram na sinasabing na-friendzone ang komedyante.

Binura rin ng aktor ang Instagram photos nila ni Cacai.

Kinumusta ng PEP si Cacai kung naka-move on na siya matapos nilang maghiwalay ng kanyang “special” friend.

“Andami nagsasabi na ‘Mag-move on ka na!’ E, di kayo!

“Lahat naman kasi dadaan sa ganun.

“Di ako nagwa-wallow sa pain, sa sadness, sorrow.

“Dadaan lang ako dun, tapos aalis ako dun.

“Wala namang taong di naging tanga sa pag-ibig, hello!

“Kaya huwag silang magmagaling sa akin, magmaganda na naka-move on kaagad.

“Ano ka, Taylor Swift?

“Kahit naman si Taylor Swift, meron pa rin yun, tao ka lang din.

“Kailangan mong pagadaanan yun kasi hindi ka dya-jump sa umiyak ka, tapos nag-move on ka na agad.

“Dadaan ka pa sa phase. Withdrawal stage.

“I'm letting myself go through those phases and stages.”

Dagdag pa niya, “I’m okay. I’m getting there. Hindi naman kasi madali yun.”

Natanong din si Cacai kung ano ang masasabi niya tungkol sa mystery girl na iniuugnay ngayon kay Ahron.

Sa ilang posts ni Ahron ay makikita ang chinita girl na sinasabing 'mystery girl' ni Ahron.

“That girl, baka ano masabi ko sa kanya, e!” natatawang sabi ni Cacai.

Patuloy niya, “Meron lang talaga kasing mga tao na hindi mapirmi sa isa. May mga ganun talaga.

“I would like to be honest about that girl. Kasi, she knows it.

“She knows who she is, she knows what she does. And that’s the way she is.

“Ano’ng gagawin ko, mas gusto niya ang ganung klaseng tao?

“Ako, I can walk everywhere, I can talk to people na hindi ako mahihiya, na wala akong inagrabyadong tao o wala akong sinirang relasyon o sinirang kaibigan.

“Karma’s a bitch. If that makes her happy to hurt people, then be it.” -- For full story, visit PEP.ph