Filtered By: Showbiz
Showbiz

Regine Tolentino and Lander Vera-Perez separated


Kinumpirma ni Regine Tolentino ang matagal nang usap-usapang hiwalay na sila ng kanyang mister na si Lander Vera-Perez pagkatapos ng 18 taong pagsasama.

Inamin din ng dance instructor at fitness guru na bagamat iniyakan niya ang paghihiwalay nila ay naka-move on na siya ngayon.

Pahayag ni Regine, “Ngayon lang, nang mag-one year na. Parang cut-off na, one year na. Tapos na yung mga first. You go through all those stage and once you’ve accomplished that and get over with that phase, bagong buhay na, new everything."

“So, iba, iba in a good way. Parang after eighteen years, you need to grow rin.”

Handa na kaya siyang ma-in love muli?

Ayon kay Regine, “Eventually, when things are legal. It’s okay when people accept it. Ayoko rin namang biglain ang tao. And I have no time rin naman bilang busy ako sa dami kong ginagawa."

“I’m just very blessed na tuluy-tuloy ang trabaho. I’m in love with my work and my children, at ngayon, parang I’m in love with myself na rin. Kailangan, e. Parang yun muna.”

Patuloy niya, “Okay na ako. Focused ako sa career. Parang gusto kong i-remodel ang shop ko, i-remodel ang bahay... I believe everything happens for a reason, kahit gaano pa kasakit, unexpected ang lahat nang nangyari.”

‘Nothing is really forever’

Eighteen years old lang si Regine nang magpakasal sila ni Lander, kaya sa palagay niya ay nag-mature na rin siya.

“My daughter is turning 18 next year. So when I see my daughter now, ganun ako noon—so in love, married, and I can be a hopeless romantic."

Ilalagay na niya sa legal ang paghihiwalay nila ni Lander?

“I’m still in the process,” nakangiting sagot ni Regine.

Ayon pa sa Unang Hirit mainstay, dahil sa nangyari, mas naging malapit at mas naging matatag ang samahan nila ng kanyang dalawang anak na babae.

Saad niya, “I think, mas lalo kaming tumibay, mas lalo kaming naging independent, mas lalo kaming naging solid na mag-iina. And yun nga, na-prove namin na kaya pala."

“When at first, kaming tatlo, lost na lost kami kung papaano kami kikilos, tatlong babae lang. Hindi exposed sa lahat, we used to be very close-knit."

“Parang ngayon, travelling, documents, finances, managing our travels… 'Di ba, ganun naman yun, as women, feeling helpless, you always need somebody to protect us, ganyan-ganyan."

“We have each other and, of course, aside from my mom and dad, nakakaraos kami, okay na. Naging okay lahat.”

Ano ang mga naging realization niya nang maghiwalay sila ni Lander?

“I really realized that nothing is really forever!” natawang sagot ni Regine.

“I just realized that as women, I think, we can be fixated with concept na ‘eto na yun. But hindi, in a blink of an eye, things can change."

“Ako pa naman, hindi ako sanay sa change. Masaya na ako kung ano yung dati. But then, I realized, okay, there is a bigger world out there and there’s so much you can do and accomplish and learn."

“Life is short, just go for it.” —ALG, GMA News