Filtered By: Showbiz
Showbiz

Manilyn Reynes enjoys working wtih Regine Velasquez for the first time




Gusto munang magpahinga ng Kapuso actress-singer na si Manilyn Reynes sa paggawa ng mabibigat na teleserye.

Huling napanood si Manilyn sa afternoon teleserye na Destiny Rose kunsaan marami siyang crying scenes.

Sabi niya, “Naku, walang eksena na hindi ako umiiyak doon.

“Masyado akong na-drain sa teleserye na yun, physically and emotionally, kaya kapag pack-up na, pagod na pagod ako.

“Before Destiny Rose, ginawa ko yung Once Upon A Kiss na puro iyakan din.

“This time, iwas muna ako sa mga mabibigat na roles at gusto ko naman ng light, yung magpatawa naman ako.

“Kaya tamang-tama lang nung dumating itong role sa Poor Señorita.

“Though may ginagawa naman ako na comedy series na Pepito Manaloto with Michael V., iba itong ibinigay na character sa akin sa Poor Señorita.

“Enjoy na enjoy ako kasi karakter na karakter siya,” kuwento ni Manilyn nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Poor Señorita sa may Timog Avenue, Quezon City last June 2.

Gumaganap siya sa Poor Señorita bilang si Ligaya de Beauvoir, na pinagtrabahuan ni Regine Velasquez bilang si Rita Villon na nagkaroon ng amnesia.

Ayon kay Manilyn, iba raw kaeksena si Regine dahil hindi nito napipigilan na matawa sa ilang mga eksena nila.

“Ang saya lang, lalo na kapag may eksena na kaming dalawa.

“Natatawa si Regine sa mga outfits ko sa show. Kasi nga over-the-top, pa-Ingles-Ingles pa ako na mali.

“Kapag natatawa siya, hindi niya napipigilan talaga.”

Ikinatutuwa raw ni Manilyn na for the first time ay makakasama niya si Regine sa isang teleserye.

“It’s my chance to work with Regine, never pa kasi kaming nagkatrabaho sa isang teleserye.

“Nagkakasama lang kami noon kapag kantahan lang tulad noon sa S.O.P., Party Pilipinas, Sunday All Stars… pero never pa sa isang teleserye talaga.

“Kaya nakaka-excite kasi first time, e, tapos nagkakakuwentuhan pa kaming dalawa during break time sa set.” -- For the full story, visit PEP.