Filtered By: Showbiz
Showbiz

Carmi Martin explains why she prefers to be single for life


Sa edad na 52, nananatiling single ang batikang aktres na si Carmi Martin.

“In my case, parang I’m happy kung nasaan ako ngayon,” pahayag ni Carmi na nagsabi ring wala siyang boyfriend o karelasyon ngayon.

Sabi nga niya, “Siguro mga four years na rin na wala.”

May mga nanliligaw?

“Meron naman, at saka maganda naman ang plano, pero parang wala namang ano sa akin.

“I’m so happy with my relationship with God.”

Gusto ba niyang maging single for life?

“Well, yun ang plan ko, pero hindi mo… baka sabihin niyo, ‘Ang plastic talaga nitong si Carmi, biglang nag-asawa.’

“Pero wala na ako dun sa magpapakasal, I prayed for it… remove the desire.

“Because, before, ang mentality ko, man will make me happy, being married will make me happy.

“Pero sa nakita ko sa karamihan, sa mga naririnig kong istorya at sa mga na-witness ko in my own relationship, it seems that very few percentage of the population of the whole earth ang nagwu-work [ang relationship].

“And ako, I’m very happy for those couple.”

Ang matalik niyang kaibigan na si Gladys Reyes ay ilang taon nang kasal at matagumpay ang marriage life nila ni Christopher Roxas.

Hindi ba siya nakakahugot ng inspirasyon dito?

Ayon kay Carmi, “Oo, I’m happy for them, pero yung inspired or naiinggit or what, parang nalagpasan ko na.

“Dahil alam ko, ako,” natawa niyang sabi, “may mga gusto sa aking magpakasal, but hindi ko gusto, e.

“Ang hirap namang magpakasal na walang dating, di ba?”

Companionship, walang kasal?

“Naku, lalong hindi because I’m a Christian.”

Nangyari na rin daw kay Carmi ang makipagrelasyon sa isang younger man.

“Dumating, pero laro-laro lang.”

Hindi ba unfair sa lalaki na hindi naman pala siya nagseryoso?

Paliwanag niya, “Parang hindi ko nabi-visualize… ako ‘to ha.

“Hindi ko sinasabing kapag ikaw, pumatol ka sa mas bata, masama kang babae.

“Ako lang ‘to, mas bet ko yung same age or older ng konti sa akin.

“Pero yung mas bata, parang iba yung happening nun sa akin. -- For the full story, visit PEP.

Tags: carmimartin