Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sef Cadayona waiting for ‘right timing’ to admit real score with Andrea Torres


Kasabay ng press conferece ng "A1 Ko Sa'yo," kung saan isa sa bida ang Kapuso comedian na si Sef Cadayona,  ay ang kaarawan naman ni Andrea Torres.

Matagal nang nali-link sa isa’t isa sina Sef at Andrea, pero wala pa rin ni isa sa kanilang umaamin.

Niregaluhan ba niya si Andrea sa kaarawan nito?

“May regalo,” mabilis naman niyang sagot.

“Siyempre, sobrang happy namin na every year, yun nga, ang ganda ng mga birthday celebration niya.”

Ano naman ang naging birthday gift niya kay Andrea?

“Siya na lang ang tanungin niyo. Magagamit niya yun,” hirit niya.

Alahas na ba ito?

“Uy, hindi naman. Pero magagamit niya,” nakangiti niyang sabi.

WAITING FOR RIGHT TIME. Ayon kay Sef, may dalawang taon na rin daw silang “best friend” ni Andrea. Pero marami ang nag-react sa sinabi niya na best friend sila.

Natatawa tuloy si Sef, sabay sabing, “Nahihiya na tuloy ako.”

Diretso naman namin siyang tinanong kung bakit nga ba tila hindi pa nila magawang maging “open” sa kung ano talaga ang meron sa pagitan nilang dalawa ni Andrea.

Ayon kay Sef, “Kung sakali naman talaga, mag-a-out kami. Pero mas maganda kasi na sa tamang timing.” — Pep.Ph