Filtered By: Showbiz
Showbiz

Joross Gamboa finally speaks up about video scandal


Idinaan na lang sa biro ng aktor na si Joross Gamboa nang usisain siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kumalat umano niyang video scandal.

“Napanood niyo? O, di close na tayo!” bulalas ni Joross.

Pero dagdag din niya, “Basta yun, matagal na 'yon!”

Ano naman ang naging reaksiyon ng misis niyang si Katz Saga nang lumabas ang naturang isyu?

Sagot ng 31-year-old actor, “Hindi siya naano kasi alam niyang matagal na yun.”

Paano ito na-handle ni Katz?

Wala, basta, ‘Nakita mo na?’

“Tapos siyempre naiiyak din ako nun.

“Tapos nangyari pa yun pauwi kami, sabi ko, ‘Bakit hindi ito nangyari bago ako umalis para…’

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika sina Joross nang kumalat ang video scandal niya.

Dagdag pa ng aktor, “Idinasal na lang naming dalawa, siyempre nag-pray na lang kaming dalawa nun.”

Nakausap ng PEP si Joross matapos ang pictorial niya para sa Juan Happy Love Story sa GMA Network Center noong April 14, Huwebes.

Kasama ni Joross sa upcoming Kapuso primetime series na ito sina Heart Evangelista at Dennis Trillo.

Tinawanan din ni Joross ang opinyon ng iba na tila sa halip na makasira sa kanya ang naturang video, nakadagdag pa sa “pogi points” niya dahil naging mas desirable siya sa marami.

“Ay, salamat po! Ang dami ko nang ka-close!” tawa niya.

Wala raw naman siyang maibibigay na payo sa ibang kalalakihan kaugnay ng eskandalong kinasangkutan niya.

“Ito, hindi sa ano, ha… kahit anong advise mo kahit kanino naman, kapag yung nali**gan, hindi na nag-iisip ‘yan, e.

“Kaya ngayon, ang temptasyon, hindi ‘yan nilalabanan, tinatakbuhan ‘yan.”-- For the full story, visit PEP.