Regine Velasquez admits she’s more sensitive now about kissing scenes
Gustuhin man daw ni Regine Velasquez, dahil sa pag-aalala sa kanyang anak na si Nate, hindi pa rin daw siya makaiwas sa mga kissing scenes kung kinakailangan ito sa kanyang trabaho.
Saad ng Asia's Songbird, “It’s part of my job. As much as I don’t really want to… I guess it’s really different na when you’re a mom."
“Kasi dati parang tira lang. Akala ko it won’t change, pero ngayon parang mas sensitive ako. Kasi he [Nate] might ask me questions, I don’t want to confuse him.”
Nagre-react na ba si Nate sa kissing scenes niya katulad ng sa kanila ni Mikael Daez sa Poor Señorita?
“Parang hindi niya nakita, hindi niya pinanood. Yung first episode ang pinanood niya. Kinukuwento pa nga niya sa akin kung ano yung pinanood niya. Pero I think the following episode, hindi na niya napanood, hindi ko rin pinapanood sa kanya.”
Working mom
Mas madalas na wala sa bahay ngayon si Regine dahil nga may ginagawa siyang teleserye.
Ipinaliwanag daw niya ito kay Nate.
“Before I started working, I had to talk to him. For two weeks pine-pep talk ko talaga siya."
“‘Mommy’s going back to work na. Mommy’s not gonna be with you every day, but daddy will take care of you. And lola’s going to be here,’ mga ganun."
“Nakikinig naman siya. Every day, kinukulit ko iyon, for two weeks. So ngayon, alam na niya, sometimes he goes, ‘Mommy, di ba, you have work?’ May ganun siya."
“Pero 'pag Wednesday, ‘Today you don’t have work, di ba? So, you’ll be with me, di ba?’ My taping is Monday, Tuesday. I’m off Wednesday. Thursday, Friday, I’m taping again.”
Hindi ba nag-i-insist si Nate na sumama sa kanya sa taping?
Sabi ni Regine, “I can’t, kasi medyo mahirap yung lugar, medyo hikain yung anak ko. Hindi ko masyadong ma-trust na hindi magkakasakit pag dinala ko sa taping, so I can’t."
“Siguro 'pag mas okay yung location, I’ll be able to bring him.”
Natutuwa nga si Regine dahil mas nakakaintindi na raw si Nate ngayon.
“Maganda nga yung age na ito, he’s four years old, he can understand. I can already talk to him. 'Yung kaya na, puwede na, yung maiintindihan na niya nang konti."
“Pero siyempre, naninibago pa rin yun kahit alam kong naiintindihan niya. Siyempre, iba pa rin yung nandoon ako, yung nandoon si Mommy.”
For more showbiz stories, visit PEP