Filtered By: Showbiz
Showbiz

Did Andi Eigenmann hit ex-boyfriend Jake Ejercito on Twitter?


Marami ang nakapansin at naintriga sa Twitter post ng aktres na si Andi Eigenmann nitong Martes na nagsasaad na, "Pwede ka nga mag-showbiz. Ang plastic mo eh.”

Ang naturang post ay nasundan pa ng tweets na: at nasundan pa ng: 

 

Ngunit ilang sandali lamang ay binura na rin ni Andi ang mga post niyang ito sa kanyang Twitter account (@andieigengirl).

Pero may mga netizen na nakapag-screen grab nito at ni-repost sa Internet.

Pinaniniwalaang ang mga tweet na ito ni Andi ay patungkol sa naging pahayag ng kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito sa artikulong nailathala rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon din.

Si Jake ay sumabak na sa pag-arte bilang bahagi ng Lenten special ng Eat Bulaga!, ang God Gave Me You, kung saan kasama niya ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nang tanungin kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon ni Andi, sinabi ni Jake na “we’re friends.”

Ayon pa sa anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez, nananatili silang magkaibigan magmula nang mag-break sila.

Pero nilinaw rin ni Jake na magkaibigan sila ni Andi “without benefits.”

Sinabi rin ni Jake na humigit-kumulang “two years” na silang break ni Andi, at tumagal daw ng “four to five” years ang kanilang relasyon.

Kahit tapos na ang kanilang relasyon ay nakikita pa rin silang magkasama sa mga lakad o bakasyon, katulad na lamang nang magpunta sila sa Cebu kamakailan, kasama ang iba pang mga kaibigan nila.

Malapit na malapit din si Jake sa anak ni Andi na si Ellie. -- For more showbiz news, visit PEP.ph