Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jaya speaks up about dispute with half-siblings after their mother's death



Sinagot na ng Queen of Soul na si Jaya ang isyu kaugnay ng pagkamatay ng kanyang ina na si Elizabeth Ramsey noong October 2015.

Pagkatapos ng libing ng kanyang ina ay pinag-usapan ang gulong nangyari sa burol, kung saan nagkaroon daw sila ng pagtatalo ng mga kapatid niya sa ina na dumating mula sa Amerika.

May tatlong kapatid si Jaya sa kanyang ina—sina Anna, Susan, at Isaac Johnson—na pare-parehong nakabase sa Amerika.

Umuwi ang mga ito ng Pilipinas nang namatay ang kanilang ina, at doon nagkaroon ng kaguluhan sa pagdedesisyon tungkol sa libing at iba pang mga bagay.

Ayon kay Jaya, close siya sa kapatid niyang lalaki. Pero hindi raw talaga niya kasundo ang mga kapatid niyang babae, partikular na si Susan.

“Yung dalawang babae, yung sisters, sila yun… I don’t know what they’re doing now. As a matter of fact, the other sister, hindi talaga close sa aming lahat,” sabi niya.

DISPUTE WITH HER SIBLINGS

Ikinuwento ni Jaya ang mga kaganapan noong namatay ang kanyang ina.

“This is what happened… Before she died, wala talaga ang mga kapatid ko dito. For years, kami lang. I planned. I bought a [memorial] plan year before. I prepared the cremation because that’s the easiest, practical.”

Naayos na raw niya lahat sa St. Peter Life Plan, pero nabago lang ito pagdating ng mga kapatid niya galing Amerika.

“When they arrived, it was the second day of the wake. Pero yung isang babae [Susan], medyo nagkaroon kami ng conflict… she’s only here for 12 days or 10 days. All these years, always against my plans."

“So, ‘Teka, hindi tayo mayaman. Pag yun na-tsugs [namatay], anong gagawin natin, nganganga tayo? May pera ba kayo?’”

Ang gusto raw kasi ng kapatid niya ay ilibing sa isang memorial park at hindi ipa-cremate ang mga labi ng kanilang ina.

“No one wanted my plan, so I let them have the body. Inilibing nila on a borrowed land. Sinong tama o mali? Borrowed land. Pag yun may kamag-anak na kailangan ang lupa, itatanggal siya.”

Dagdag na paliwanag ni Jaya, may plano na sana siya pagkatapos ng cremation.

“Cremate her, bring the ashes to her brother in Negros Occidental. Mahirap ba yun? Hindi daw puwede, kasi yung kaluluwa, nandun pa sa katawan. Ha?! Patay na ‘yan, hindi puwedeng sabihing may kaluluwa pa ‘yan!”

Kaya nung napagdesisyunang ilibing ang mga labi ni Elizabeth sa isang memorial park sa Antipolo, hindi na dumalo si Jaya para hindi na raw magdagdag pa ng gulo.

Ang iniisip na lang daw niya ay ang mga magagandang alaala niya kapiling ang ina.

Sabi ni Jaya, “You know why? I had all the years with her. I had that privilege. Wala sila nun! Ikutin man natin at ibalik ang nakaraan, wala sila nun."

“I have it all. Ang talent, trabaho, ang paghihirap, pag-angat, lahat! Pagbagsak, pagbangon... kami! So, I said, 'You know what, nandiyan ka na rin, kasama mo na si Lord, sila na diyan sa katawan.' That body will decompose.”

Dagdag pa niya, “Huwag na tayo magsinungaling at magbiru-biruan, kami ng nanay ko ang close.”

ELIZABETH’S COLLECTION

Pati ang isyu sa mga collection na Sto. Niño ni Elizabeth ay sinagot din ni Jaya.

Ang kuwento kasi ng kapatid niya ay pinabayaan lang daw ito ni Jaya dahil, bilang isang Christian, hindi raw niya ito pinahahalagahan.

Sagot ni Jaya, “Magaling sila gumawa ng kuwento. Hindi naman ako baboy. Tao ako, dati akong Katoliko. I have that love for Christ."

“Obviously, I should be aware of what I’m supposed to do. Kung gusto nila yun, e, di ibigay ko. Hindi ko naman puwedeng basagin yun, itapon yun. Lahat yun sa pari dapat, sa church. Gagawa sila ng Ramsey’s prayer room."

“Pero kinuha naman nila ng pinsan ko, ibinigay ko. Ang natira, mga maliit.”

Dagdag ni Jaya, “The point is to move on. I always remember my mom and i-carry ko ang pangalan niya with much pride and respect. Kahit anong mangyari, ako ang kilalang anak. Hindi ko yun puwedeng itago at itapon. Respeto ang kailangan dun at tatag."

“No matter what I say or do, they always think of Elizabeth Ramsey. So, better do it right and keep it clean. Integrity lang. Kahit ano man ang sitwasyon sa buhay ko, integrity is the key.” — PEP.ph

 For more showbiz stories, visit PEP.

Tags: jaya