Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maxene Magalona defends her 'excessive PDA' on Instagram


 

(Photo by: Maxene Magalona Instagram)

Nagpaliwanag si Maxene Magalona sa pagiging expressive niya ng kanyang pagmamahal sa current boyfriend niyang si Robby Mananquil sa social media, partikular na sa Instagram.

Sa tuwing kasama niya ang nasabing kasintahan, palaging punung-puno ng love ang mga comments at messages ni Maxene para sa boyfriend, na tila hindi nagugustuhan ng kanyang followers.

Ayon sa mga ito, sobra-sobra naman yata ang pagpapakita nito ng pag-ibig at atensyon kay Robby. Excessive Public Display of Affection or PDA, kumbaga.

BEING TRUE TO HERSELF. Komento ni Maxene tungkol dito, 'Ako kasi, I really believe in being true to yourself and whatever you want to say, whatever you want to express.

'I think you have the right to do that.

'For as long as nagpapakatotoo ka sa sarili at hindi yung sinasabi mo nga yun pero pakitang-tao ka lang or... not that I'm saying na ganon ang iba, ha?

'This is my own personal take on it.

'That's why on my Instagram, siyempre, social media is a big thing right now, and Instagram is one of the things na makikita mo ang sinumang celebrity or kahit sino, na makikita mo yung personality nila doon sa page nila.

'So parang that's my take on it na on my Instagram, dapat nagpapakatotoo tayong lahat. So yun lang ang personal opinion ko about that.

'With regards doon sa mga nagsasabing it's too much, I really don't want others' opinions to affect my actions.

'If I let that dictate kung paano ako gumalaw, e di hindi na ako naging totoo sa sarili ko, at I'm doing things na lang to please others.

'And that's not how I want to live my life.

'Ako, aaminin ko, nung nakita ko nga yung Instagram ko, hindi ko na siya napansin na parang marami na akong na-post.

'Pero at the same time nung nakita ko, ayoko kasing... naniniwala rin ako na dapat everything is in moderation.

'So nung nakita ko na parang naparami lalo na when we were traveling together, sabi ko, parang isi-save ko na lang yung iba for next time.

'So I'll admit na napansin ko na parang... hindi naman yung OA, pero parang naparami nga.

'But I don't think there's anything wrong with it.'

SPREADING GOOD VIBES. Patuloy pang paliwanag ni Maxene, 'Yun na nga, it's still being in control.

'Pag nakita mong gano'n, dapat ikaw pa rin ang mag-control nun and take a step back and see the bigger picture.

'I don't want others' opinions to dictate my actions.

'Ayokong because sinasabi ng iba, kaya ko babawasan. Gusto ko sarili kong desisyon.

'One more thing that's why vocal ako, expressive ako when it comes to things sa buhay ko not just with my lovelife, sa lahat ng bagay sa buhay ko, I wish to spread happiness and good vibes.

'At gusto ko parang yung ibang tao maging happy din.'

Exclusive na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene sa nakaraang launch ng newest collection ng MAC Cosmetics, ang FLAMINGO PARK na ginanap sa penthouse ng 24/7 Mckinley Building, BGC last Wednesday, March 9. -- For the full story, visit PEP.