Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mike Tan on video scandals: 'Bakit ko ibi-video ang sarili ko habang may ginagawa?'



Hindi nag-aalala ang Kapuso actor na si Mike Tan na baka may lumabas na video scandal at sabihin na siya.

Sunud-sunod kasi ang paglabas ng video scandals ng ilang male celebrities, kaya naman hindi maiwasang matanong ang iba pang artista tungkol dito.

Pero ayon kay Mike, “Wala akong naaalala na ginawa ko.”

Kahit noong mas bata pa siya?

Sabi ng Kapuso actor, “Wala e, wala talaga.

“Siguro kasi ako, sana wala namang ma-offend sa sasabihin ko, pero bakit ko ibi-video ang sarili ko habang may ginagawa?

“Pero kung sakali man at ginawa ko, tatanggapin ko, aaminin ko.

“Kumbaga, harapin mo yung consequences ng nangyari. Aminin mo na may nangyari talaga.

“So far naman, parang hindi naman nakakaapekto sa career kung meron man at lumabas.

“Nagkakaroon pa nga ng show, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong GMA afternoon soap na The Millionaire’s Wife noong Martes, March 8, sa GMA Network Center.

Nakakatulong ba sa isang artista kung may video scandal silang lumalabas?

Pahayag ng StarStruck winner, “So far, ang nakikita at napapansin ko, hindi ko alam kung nakakatulong o nakakapag-ingay lang o nakakasama.

“Kasi, lahat naman ng nakitaan ko, na nalaman kong may sex video, may palabas, may show.

“So, paano ko sasabihing nakasama?” saad niya.

Patuloy ni Mike, “Masama lang siguro na marami ang nakakita ng dapat na itinatago mo.

“Pero siguro nag-e-evolve na rin ang mga tao sa Pilipinas, na natatanggap na rin nila ang mga pagkakamaling ganun ng mga tao.”

Tahasang sinasabi ni Mike na hindi niya gagawin ang mag-video ng kanyang sarili.

“Hindi talaga, e. Hindi ko makita ang sarili ko na ibi-video ko ang ginagawa ko,” diin ni Mike. -- For the full story, visit PEP.

Tags: miketan