Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ken Chan says he broke up with girlfriend while doing Destiny Rose



Isa sa naging matagumpay na panghapong teleserye ng GMA-7 ang Destiny Rose na tumalakay sa buhay ng transgender na ginampanan ni Ken Chan.

Tumagal din ito ng dalawang season, pero ngayon ay kailangan na rin talagang wakasan.

“Honestly, malungkot siyempre,” lahad ni Ken sa nararamdaman nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa taping ng Destiny Rose kamakailan.

Ayon pa kay Ken, “Kasi, parang pamilya na ang turingan namin dito. Almost half a year, pero at the same time, umaangat na rin yung saya ko dahil sobrang thankful ko na umabot kami ng two season.

“Half a year talaga at sobrang masuwerte, I feel so blessed na ang Destiny Rose, umabot ng dalawang seasons.”

Tumatak nang husto ang karakter niya na si Destiny kaya ngayong magtatapos na ang panghapong serye nila, marami raw naiisip si Ken na gustong gawin para unti-unti, maibalik din niya ang tingin sa kanya bilang si Ken Chan talaga.

Ayon sa aktor, “Marami po, probably hindi ako magga-ganito ulit. Kung magga-ganito ko, siguro sobrang matagal pa. At saka, sinabi rin sa akin ng GMA at GMA Artist Center yun and then, they have plan naman na yung magiging role ko sa susunod ay sobrang layo kay Destiny.”

Pero yun nga, hindi ba siya natatakot na baka mahirapan siyang bumitaw bilang si Destiny?

“Hindi naman po kasi, after naman po na kapag sinabi ng director na pack-up na kami, talagang bumibitaw ako.

“Yung sa tingin ng tao, siguro yun ang kailangan kong i-work-out ngayon, kailangan kong pag-aralan after ng Destiny Rose, ano ba ang mga kailangan kong gawin para maihiwalay talaga sa akin si Destiny Rose.

“Para maprepare ako sa susunod kong role. At kahit si Sir Michael de Mesa, kasi naggaganito siyang role. Ang payo niya sa akin, kahit siya, hindi rin daw siya agad nakakabitaw.

“Talagang it’s a normal thing at kinausap din daw siya ni Kuya Dennis Trillo before at sabi rin daw ni Kuya Dennis, meron din daw talaga na nadadala mo sa bahay mo, sa lifestyle mo.

“At ang payo nila sa akin, mag-reflect daw ako. Mag-bakasyon daw ako, sa ibang bansa kahit na ako lang mag-isa.”

Bago gawin ni Ken ang Destiny Rose ay may girlfriend siya, pero, habang ginagawa niya ang serye ay naghiwalay na rin daw sila.

“Siguro gusto ko rin naman po kasing mag-focus sa work ko,” saad niya.

Dugtong din niya, “Pero, siya rin naman po ang may gusto. Parang kanya-kanya na muna. Parang kalahati ng Destiny Rose, wala na po.”

Oras daw ang naging pangunahing problema nila ng dating girlfriend sa relasyon. -- For the full story, visit PEP.