Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Destiny Rose' star Ken Chan, naniniwalang mapapatawad ng LGBT si Pacquiao


 

Hindi man tunay na transgender si Ken Chan, tulad ng karakter na ginagampanan niya sa Kapuso afternoon series na Destiny Rose, apektado rin daw siya sa naging pahayag ni Manny Pacquiao tungkol sa same-sex marriage.

Saad ng aktor, “Hindi po ako transgender talaga, hindi po ako kabilang sa LGBT [lesbian, gay, bisexual, transgender] group.

“Pero bilang tao, masasaktan ka rin for the LGBT group, and yun nga ang ipinaglalaban ko ngayon.

“Kung bakit nagkaroon ng Destiny Rose, para maging boses ng LGBT.

“For me, as Destiny Rose, hindi naman na-offend, nagdalawang-isip ako, nalungkot ako in a way.”

In character pa rin si Ken sa role niya bilang transgender woman nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na dumalaw sa taping ng Destiny Rose noong Miyerkules, February 17.

Pero bilang si Ken, ano ang masasabi niya sa opinyon ni Manny sa same-sex marriage?

Sagot niya, “Ako naman, nirerespeto ko kung ano ang opinyon ni Pacquiao. Kung ano ang pinaniniwalaan niya.

“Ang importante naman dun, siguro, si Manny Pacquiao, humingi siya ng sorry, bagamat marami rin ang nasaktan.

“Pero nabawi yun noong nag-sorry naman po siya, yun ang pinakaimportante.”

Positibo si Ken na darating ang araw na magiging maayos din ang lahat sa pagitan ni Manny at ng LGBT group.

Palagay ba niya, mapapatawad pa rin ng LGBT community ang Pambansang Kamao?

Tugon ni Ken, “Oo, yun naman talaga ang kailangan.

“Kung walang kapatawaran, hindi na matatapos ang away, e, ayaw naman natin ng away.

“And, I think, ang LGBT group naman, malambot ang puso ng mga ‘yan.

“Sila ang mga tao na sobrang dami ng pinagdaanan nila sa buhay.

“Kung ano ang pinagdaanan nila sa buhay, sila pa ang malambot, sila yung madaling magpatawad. -- For the full story, visit PEP.