Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dan Fernandez tungkol kay Pacquiao: 'Kung ang Diyos marunong magpatawad, bakit tayo hindi'


 
Nalulungkot ang actor-politician na si Dan Fernandez sa pambabatikos na natatanggap ngayon ng kapwa niya kongresista na si Manny Pacquiao dahil sa naging pahayag nito kaugnay sa same-sex marriage.

Pahayag ng Laguna representative, “Si Manny, alam naman natin na very religious, yung faith niya, about sa born-again beliefs.

“Na nasabi niya yung mga words na yun dahil din sa paniniwala niya, sa kanyang pananampalataya, at sa Bibliya na kanyang binabasa.

“He said sorry.

“Siguro out of impulse o out of intense faith, nasabi niya yung comparison.

“Iyon nga, mali talaga yung pagku-compare dun sa animals.

“And ako mismo, talagang kinu-condemn natin yung ganung klase ng comparison.

“But sometimes, we have to realize that we, humans, we commit mistakes as well, e. Di ba? Lahat naman tayo nagkakamali.

“At unfortunately, yung pagkakasabi niya nung comparison, kung papanoodin mo yung video niya, talagang naka-base siya dun sa kanyang intensity ng kanyang pananampalataya, e. Kaya nakakalungkot.

“At bilang nabitawan niyang pananalita na nasaktan natin yung ating mga mga LGBT community.

“At sabi nga, kung ang Diyos marunong magpatawad, bakit tayo hindi natin siya patawarin?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dan sa Valentine lunch treat niya sa ilang miyembro ng media nitong Miyerkules, February 18.

Bagaman naniniwala si Dan na hindi pa lubos na tanggap sa kultura ng mga Pinoy same-sex marriage, sa ngayon ay maaari naman umano ang seme-sex union bilang pagrespeto sa kanilang karapatan.

“Ang karapatan nila yung magmahal sila ng taong gusto nila at makasama nila nang habambuhay. Puwede yun, e, di ba?

“So I’m encouraging na siguro yung next Congress, na mag-create ng batas na allowing the legality of the union," aniya.

Ibinahagi rin ni Dan ang naging pag-uusap nila noon ni Boy Abunda sa posibilidad na dumating ang panahon na magkaroon ng baklang presidente ang Pilipinas.

“Ang naaalala kong sinabi niya, kasi very intense siya dun sa kanyang advocacy, e.

“Sabi niya, ‘Alam mo, Dan, darating ang panahon, naniniwala ako na dito sa Pilipinas, ang susunod na magiging Presidente sa malapit na panahon ay isang gay.’

Naniniwala raw siya rito dahil marami namang politiko ngayon ang gay pero "tago."

“Alam mo, marami sa ating mga politician na tago, ha? Pero dahil sa bias ng komunidad natin sa mga LGBT, maraming nagtatago.

“Pero once, I mean kung ibibigay natin yung full rights ng LGBT, maniwala kayo, lahat 'yan maglalabasan, e, di ba?

“At baka magulat tayo, kalahati ng populasyon, lahat, e, member ng LGBT community. -- For the full story, visit PEP.