Is Regine Tolentino's marriage on the rocks?
Ang mga anak daw niya ang concentration ng energy ngayon ni Regine Tolentino.
Kuwento niya nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m doing okay, siyempre bising-busy and everything’s okay.
“The kids are doing great, mag-a-Ateneo na ang panganay ko.
“Kakapanalo lang sa National Science Competition, number one sila sa buong bansa.
“Bising-busy ako sa pagiging mommy, everything’s okay.”
Bakit tila puro sa pagiging mommy ang pinagkakaabalahan niya ngayon, paano naman siya bilang wife ni Lander Vera Perez?
Natawa si Regine at saka sumagot ng, “Happy ako, okey lahat!”
Dagdag niya, “Siyempre, tao lang, lahat ng mag-asawa, nagkakaroon ng mga pinagdadaanan, so yun!
“Siyempre, may pinoprotektahan din akong mga endorsements as family.”
Kung mayroon man siyang pinagdadaanan sa kanyang personal na buhay, hindi ito mahahalata kaya puwedeng sabihing magaling siyang magdala.
“Thank you,” sambit ni Regine. “I try to stay fit mentally and physically, siyempre sa pagsasayaw.
“Mentally, I pray a lot and yung communication ko with my children is very good, they keep me inspired and grounded.
“Basta focus lang ako sa trabaho at sa mga anak ko.”
SO OVER.
Nakausap ng PEP si Regine sa grand presscon ng Ang Panday ng Viva/TV5 na magsisimula nang mapanood sa February 29.
Balik pag-arte si Regine bilang isa sa mga kontrabida ni Richard Gutierrez sa Ang Panday. Bago kasi ito ay panay hosting ang ginagawa niya.
Saad niya, “Pinaghandaan ko talaga, siyempre matagal na akong hindi bumabalik sa mga teleserye.
“Nagpaka-busy ako sa mga zumba and other activities kaya noong nakuha ko yung role, I was so excited.
“Ito na ang pagkakataon ko na bumalik ulit sa pag-artista ko dahil ito naman talaga ang nasimulan ko.”
Hindi ba siya nanibago?
Sabi ni Regine, “Nanibago ako sa puyat, sa stress at sa hirap ng role, mabigat talaga dahil kontrabida.
“Pinag-aralan ko talaga yung role ko, yung make-up, nag-research talaga ako sa iba-ibang style of acting.
“Physically rin… nag-workout ako ulit, siyempre nagpapapayat ako.”
Kakatapos lang ng Chinese New Year, paano niya winelcome ang Year of the Monkey?
“Siyempre, bonggang-bongga, may trabaho, and ako, very positive person ako.
“Especially kapag New Year, I make my resolution… to have more work and ma-achieve yung mga gusto ko.
“Mag-expand yung boutique, mag-expand yung studio.”
Dagdag pa ni Regine, “May bago akong show sa Viva channel, Go Get Fit, it’s a dance fitness and wellness program.
“At may bago rin akong show sa GMA News TV bago yun, kaya sana matuloy para sa mga super mommies out there.”
Iniwan na rin ba niya kung anuman ang mga hindi naging magandang nangyari noong 2015?
“Tama!” natatawang bulalas ni Regine. “2015 was a great year for my career.
“At kung anuman ang hindi magandang nangyari ng 2015, that’s so over.
“Move on and say hello to new challenges.” — PEP.ph