Filtered By: Showbiz
Showbiz

Benjie Paras proud of sons Andre and Kobe's successes in their respective careers



Proud daddy si Benjie Paras at patuloy ang pagpapakita niya na kanyang suporta sa gumagandang career ng kanyang anak na si Andre Paras.

Sa naganap na press conference ng pelikulang "Girlfriend for Hire" ng Viva Films at SMDC noong nakaraang January 22 ay naroon din si Benjie dahil ito ang unang pagkakataon na magbibida si Andre na katambal si Yassi Pressman.

Sa panayam namin kay Benjie, sobrang masaya ito para kay Andre dahil sa pagiging leading man nito sa pelikula at telebisyon.

“I’m very happy and proud sa career na napunta sa mga anak ko. Especially dito kay Andre, kasi hindi namin ini-expect na umabot siya sa ganitong leading man status agad."

“Sa umpisa, trial and error ito para kay Andre. Sinubukan niya mag-showbiz and surprisingly ay nagustuhan niya. Noong mabigyan siya ng chance na maging leading sa teleserye na The Half Sisters, na-enjoy niya ang pag-arte."

“Ngayon, aside nga sa may bago na naman siya na That’s My Amboy with GMA-7, heto, binigyan pa siya ng lead role ng Viva sa Girlfriend for Hire."

“That’s why I am very thankful sa mga sumusuporta sa kanya,” pahayag pa ni Benjie.

NOT A STAGE DAD

Hindi nga raw nakikialam si Benjie pagdating sa pag-arte ni Andre. Pinabayaan daw niya ang mga director na i-guide ang kanyang anak sa tamang pag-arte.

“Never naman tayo nakialam sa ganyan. Ayokong makadagdag sa pressure ng bata. One time ko lang napagsabihan si Andre noong magkasama kami sa movie na Wang Fam."

“Sinabihan ko lang na kailangan focus siya kapag may kaeksena siya. Sumunod naman siya sa akin."

“Pero siyempre, ang mga director na nakakatrabaho ni Andre ang mas may pakialam sa performance niya."

“Lagi ko namang bilin sa kanila na makinig sila sa mga nakakatanda at mas nakakaalam sa trabaho nila,” diin niya.

Noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang showbiz career, pinagbida si Benjie sa pelikulang Dunkin Donato noong 1993.

Hindi nga lang nasundan ulit ang pagbida niyang iyon, kaya ito ang gusto niyang paghandaan ni Andre.

“Sabi ko sa kanya na huwag siyang mag-expect masyado. Hindi porke’t bida ka ngayon, e bida ka na sa susunod."

“Ang importante ay galingan lang niya para may kumuha pa rin sa kanya. As long as may trabaho siya, marami siyang followers at marami siyang nae-entertain. That is more than enough to be thankful for,” ngiti ni Benjie.

DIFFERENCES BETWEEN ANDRE AND KOBE

Kapansin-pansin nga ang pagkakaiba ni Andre sa kapatid nitong si Kobe Paras.

Kung si Andre ay masyadong secretive sa kanyang personal na buhay, si Kobe naman ay very open at panay ang post nito ng mga photos sa Instagram ng kanyang girlfriend na si Gabrielle Current.

“Doon sila nagkakaiba talaga. Si Andre kasi, mas gusto niyang pag-usapan ang trabaho niya. Enjoy siya sa ginagawa niya sa showbiz."

“Si Kobe naman, walang hilig sa pag-aartista. He’s more on sa pag-aaral niya at sa paglaro ng basketball. Yun nga, mas nae-express ni Kobe yung mga personal feeling niya. Mas emotional siya kesa sa kuya niya."

“Sa akin ay okey naman iyon. Kilala ko naman ang girlfriend ni Kobe. As long as hindi makaapekto sa career niya at maging motivation niya ang girlfriend niya, that is fine with me."

“Si Kobe kasi, malayo siya sa amin, unlike si Andre na nandito lang. Kailangan ni Kobe ng taong mapagkakatiwalaan niya at somebody na puwede niyang ma-share ang mga nararamdaman niya."

“May tiwala naman ako sa anak kong iyon. Basta huwag lang siya mawawala sa focus sa pag-aaral niya at sa basketball career niya."

“At siyempre, huwag mag-asawa nang maaga!” sabay tawa ni Benjie. — PEP.ph

For more showbiz stories, visit PEP.