Ano ang real score kina Julian Trono at Kylie Padilla?
Usap-usapan ngayon ang balitang may namamagitan na diumano kina Julian Trono at Kylie Padilla, na gumaganap na magkapatid sa Kapuso afternoon soap na Buena Familia.
Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julian sa taping ng nasabing teleserye nitong Martes, January 26, ay kaagad namin siyang inusisa tungkol dito.
“Alam niyo naman po ang tsismis,” nakangiting bungad ng 18-year-old actor-dancer.
“May tsismis kasi... well, frankly, honestly, nakita din kami in some places, iyon nga yung Countdown.”
Ang tinutukoy ni Julian ay ang New Year Countdown ng GMA Network sa SM MOA Arena noong December 31.
"Some people saw her there, and iyon, medyo na-misinterpret kaagad nila yun.”
Ano ang na-misinterpret ng mga nakakita kay Kylie?
“Na she was there, and hindi naman po siya magpe-perform, e.
So, alam niyo naman po yung mga tao.”
Dinalaw siya ni Kylie?
Paglilinaw ni Julian, “Hindi naman, hindi lang naman ako.
“I can’t say naman na ako lang, pumunta din siya ‘coz siyempre andun din sina [Mark] Herras and like everyone, yung mga kasama din namin.
“And alam ko malapit lang din siya nun, she checked in or whatever, basta parang visit lang.
“Gusto lang niya ng ibang New Year kasi hindi naman siya nagka-Countdown and then, yeah, she decided to [watch].”
IS HE COURTING KYLIE? Diretsahan naming tinanong kay Julian kung nililigawan ba niya si Kylie.
“Hindi!” mabilis niyang tugon.
Honestly?
“Pag sinabi ko namang honestly, hindi naman din maku-confirm na nagsasabi ako ng totoo, e.
“So, wala na akong sasabihin.”
Ano ang sitwasyon sa pagitan nila ni Kylie?
Sagot ni Julian, “Wala, we’re just really close and ini-enjoy lang namin kasi kailangang… ewan ko, make good use out of this.
“Of course, yung show, na mag-build ng friendship or certain connection with people, real connection, hindi lang pang-work kundi, di ba, outside.
“I mean, behind the camera, so…”
Aminado si Julian na sa ngayon ay si Kylie ang pinakamalapit na babae sa buhay niya.
“Yeah! I think, yeah! Oo naman.”
Single silang pareho ni Kylie, ano ang nakakapigil sa kanya para ligawan ang dalaga?
Saad ni Julian, “What’s stopping me? Siguro ano, madali lang kasi yun, e.
“It’s just a label and kung ako man, kung gugustuhin ko man, matagal na.
“Then again, mas… I want to, mas mag-ano pa, mas ma-discover pa kung ano yung nakatago dun sa mga mata niya.
“I mean, with her thoughts... she’s very into her thoughts, e. She writes.
“Feeling ko, iyon yung isa pang nag-connect din sa amin.
“I’m into Film, kasi I’m taking up Film.
“And yung thoughts niya, I mean transferring into a film, kumbaga, parang ang ganda siguro.”
Nag-aaral ng Film course si Julian sa Meridian International College. -- For the full story, visit PEP.