Filtered By: Showbiz
Showbiz

Camille Prats gets son Nathan's approval for her to marry again



Sa muling pagpapakasal ni Camille Prats sa kanyang fiancé na si VJ Yambao sa 2017, kasama sa desisyon niyang ito ang kanyang anak na si Nathan.

Si Nathan ay anak ni Camille sa una nitong asawa na si Anthony Linsangan, na sumakabilang-buhay noong 2011 dahil sa sakit na nasopharyngeal cancer.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Camille sa press launch ng GMA afternoon teleserye na "Wish I May" nitong nakaraang, sinabi nitong mahalaga ang approval ng kanyang anak sa magiging ikalawang ama nito na si VJ.

Ayon kay Camille, "For the past four years, kami lang kasing dalawa. Siyempre, magkakaroon ng pagbabago kapag nandiyan na si VJ."

"Gusto ko rin kasi na isang tao lang ang papasok sa buhay namin at yun na ang taong makakasama namin forever. Mahirap kasi na iba-ibang lalaki ang makikilala ng anak ko. Gusto ko isa lang at yun na 'yon."

"Kaya kinausap ko nang maayos si Nathan. Kung gusto ba niya si VJ to be his next dad. Pag-isipan niya nang husto because whatever his decision is, yun na ang pagkakasunduan namin."

NATHAN'S APPROVAL.

Hindi raw naghintay nang matagal si Camille para sa sagot ng kanyang anak. Pagkatapos nilang mag-usap, kinabukasan ay may sagot na ito sa kanya.

"The next day nga, Nathan said na gusto na niya si VJ. He wants VJ to be a part of our lives. Sabi ko, 'Ang dali naman palang kausapin ng anak ko!' Kaya natuwa naman ako kasi I wanted my son to say yes."

"Kasi naniniwala ako na there will only be one person to come back into your life. And I believe na si VJ yun."

Ang tawag nga raw ni Nathan kay VJ ay "Tito VJ," pero Daddy na raw ang itatawag nito kay VJ pagtapos itong ikasal sa kanyang ina.

"Sobra akong na-touch sa sinabing iyon ng anak ko. Alam kong hindi madaling palitan ang tunay niyang dad. Anthony will forever be in our lives. Hindi mabubura ang mga masasayang memories namin with him."

"But I have moved on and natuwa ako na my son has moved on as well. Anthony will and always be his dad forever. Walang mababago doon. May papasok lang sa buhay namin na magbubuo ulit ng pamilya namin."

"I know, in my heart, Anthony would love for us to have a complete family. Gusto na rin niya na may matatawag na daddy si Nathan," saad ng Kapuso star.

PLANNING AHEAD.

At kahit sa 2017 pa ang wedding nila Camille at VJ, this early ay naghahanda na si Camille.

Noong nakaraang taon ay nagsimula nang makipag-meeting si Camille sa ilang suppliers at sa designer ng kanyang wedding gown.

"Ang preparation naman talaga for a wedding will take a year. Marami kasing kakausapin. Ayokong madalian kasi nakaka-haggard yun."

"Since VJ will be in the US kasi may trabaho siya doon, ako ang mag-aasikaso sa lahat. Kasi when VJ comes back next year, it will be one month before our wedding date. Gusto ko na maayos na ang lahat. Yung pagdating niya, ilang things na lang ang asikasuhin namin together."

"But of course, I will also consult him with everything kahit nasa ibang lugar siya. Madali naman to communicate ngayon. We can have video conferences with our suppliers anytime."

"Gusto ko rin na ma-involve si VJ sa lahat at alam niya ang mga nangyayari. Hindi lang siya yung tagapagbayad, di ba?" sabay tawa pa ni Camille.

WEDDING THEME.

Isang outdoor wedding ang gusto nina Camille at VJ. Mas simple at di kasing engrandeng tulad ng una niyang wedding sa yumaong mister na si Anthony.

Lahad pa niya, "Itong second wedding na ito, this is something na gusto namin ni VJ. As in, kung ano meron ito, kami ni VJ ang nagbuo, kami ang nag-isip ng mga magaganap."

"Noong first wedding ko kasi, hindi kami ni Anthony ang nagplano. It was our parents and other people. Tapos parang naging madalian pa. And before we got married nga, nabuntis muna ako and we had to wait until I gave birth to Nathan."

"So, in a way, wala akong naging input sa wedding ko. Unlike now, lahat ng maliliit na detalye ay involved kami ni VJ. At kami ang magsu-shoulder ng lahat ng expenses."

"Noong unang wedding ko kasi, yung parents namin ni Anthony ang gumastos. This time, kami na ni VJ. Kaya masasabi ko na this is our wedding... our dream wedding." — PEP.ph

For more showbiz stories, visit PEP.

Tags: camilleprats