Jiro Manio ready to leave rehab, says AiAi delas Alas
Malapit nang lumabas sa rehab ang dating child actor na si Jiro Manio, ayon mismo sa kaniyang nanay-nanayan na si AiAi delas Alas.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ngayong hapon ng Huwebes, January 14, nag-post ang Comedy Queen tungkol sa pagbuti ng kalagayan ni Jiro.
Kasama nito ang screen grab ng palitan nila ng text messages kung saan mababasang pinakiusapan ni AiAi ang kanyang "anak" na mangakong ituloy-tuloy na ang kanyang paggaling.
Ang sagot ni Jiro, tuluyan na siyang nagbago, kung kaya't nasabi ng duktor nito na puwede na siyang lumabas kahit ano'ng oras.
Sabi pa ng dating child actor, hihintayin niyang sunduin siya ni AiAi at excited na siyang lumabas ng rehab.
Matatandaang nakitang palaboy-laboy si Jiro sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong June 3o, at tila wala sa sarili.
Isa sa mga sumaklolo kay Jiro ay si AiAi na nakasama ng young actor noon sa ilang pelikula. -- For more showbiz news, visit PEP