Migo Adecer says StarStruck win his biggest birthday present
Isang magandang aginaldo para kay Migo Adecer ang pagkapanalo niya bilang Ultimate Male Survivor ng StarStruck Season 6 ng GMA Network noong December 19.
Isang oras kasi pagkatapos niyang makuha ang titulo ay sumapit ang kanyang ika-16 na kaarawan.
Masayang kuwento ni Migo, “Yes, yes po. I wanna thank God kasi this is the most… biggest present He’s given on my birthday. Kasi sobrang hirap nung mga challenges sa StarStruck, ang aga ng calltime, sobrang hirap yung mga script."
“Super na-relieve ako and happy. I wanna thank God kasi He never let me down.”
Aminado si Migo na malaki rin ang tsansang hindi siya ang itinanghal na Ultimate Male Survivor kundi ang kalaban niya na si Elyson de Dios.
Aniya, “Super-gulat ako… kasi alam ko si Elyson, malaki ang improvement niya sa pagsasalita ng Tagalog, sa personality niya, sobrang change for the better."
“Hindi ko talaga ini-expect na mananalo, pero obviously naman, I kept positive, I kept striving for what I wanted. And I just thank God na it fold up talaga."
CHILDHOOD DREAM.
Apat na taong gulang pa lamang daw ang tubong-Australia na si Migo nang ma-realize na gusto niyang mag-artista paglaki.
Sabi niya, “Opo, since I was four years old, I did mga competitions na. I was also looking for a manager then. Finally, when I was mga 15, 14, that’s when I met my manager and she brought me… to come here in the Philippines and try to be na magiging artista. So, yun, that’s a very big dream in my life to be in showbiz."
Ipinanganak si Migo sa Bacolod ngunit lumaki siya sa Sydney, Australia.
Ngayon daw, una niyang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral sa pagsasalita ng diretsong Tagalog.
“Me and my manager have been discussing na after StarStruck, na kapag meron akong free time talaga, Tagalog [lessons] araw-araw. Kasi meron akong tutor sa Tagalog, pero since StarStruck started, wala akong time, kasi tuluy-tuloy araw-araw yung mga call times namin.”
Katulad ni Klea, unang gagawin daw ni Migo after ng show ay magbawi ng tulog at magsimba at magpasalamat sa Diyos sa matagumpay niyang StarStruck journey.
Mensahe naman niya sa lahat ng sumuporta sa kanya: “Guys, sa mga Migonatics, maraming-maraming salamat talaga sa mga suporta. Tsaka maraming salamat sa mga magulang ko… God is so good to us.” —PEP.ph