Filtered By: Showbiz
Showbiz

Julie Anne San Jose happy to be part of Walk of Fame 2015


Karangalang maituturing para kay Julie Anne San Jose na mapabilang sa 2015 Walk of Fame inductees.

Sa taong ito, 30 personalities ang binigyan ng bituin sa pamosong Walk of Fame sa Eastwood Citywalk, sa may Libis, Quezon City.

Sabi ng Kapuso singer-actress, “It’s really an honor to part of it kasi isa po ako sa mga napili na mabigyan po ng badge dito sa Eastwood. Talagang nakakataba ng puso kasi bukod po dun sa may GMA, kasi may parang stars dun, nagkaroon din po ako dun, and dito naman po ngayon.

“And masaya po yung feeling and masaya din po kasi mainit yung pagtanggap ng mga tao.”

Maliban sa kanya, binigyan din ng stars sa Walk of Fame kahapon, December 1, sina Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Alice Dixson, Rocco Nacino, Enrique Gil, Eula Valdes, Julie Anne San Jose, Sunshine Dizon, Jake Vargas, Sam Concepcion, Dindi Gallardo, Randy Santiago, Buboy Villar, Kara David, Gerphil Flores, The Company, at si Harlene Bautista na siyang nagrepresenta sa kanyang ama na si Butch Bautista.

Ang iba pang mga inductees na sina Alden Richards, Camille Prats, at Mark Bautista ay hindi nakadalo sa pagtitipon.

ON TV EVERY DAY. Mula Lunes hanggang Linggo ay mapapanood sa telebisyon si Julie Anne.

Kasali siya sa panghapong seryeng Buena Familia (Monday to Friday), Pepito Manaloto at Day Off  (Saturday), at Sunday PinaSaya (Sunday).

Pero wala raw naramdamang pagod si Julie Anne dahil blessings para sa kanya ang mga ito.

Sa katunayan, nadagdagan pa ang kasayahan niya nang malamang extended hanggang January 2016 ang Buena Familia.

Sabi ng 21-year-old singer-actress, “Oo, sobrang saya po ng feeling, kasi talagang magaganda po yung feedbacks ng mga tao. And from day one po, sinuportahan po kami ng viewers."

“Nagpapasalamat po kami kasi yung story, yung cast po, talagang pinagbubutihan po talaga namin, para mabigyan ng magagandang entertainment yung mga viewers.”-- PEP.ph