Filtered By: Showbiz
Showbiz
PEPTALK

Michael V recalls his 20-year journey with Bubble Gang


 


Sa isang pambihirang pagkakataon ay binuksan ni Michael V o Bitoy ang kanyang bahay para sa isang masayang PEPtalk interview.

Sa aming panayam kay Bitoy ay mas nakilala namin siya bilang si Beethoven del Valle Bunagan, asawa ni Carol at ama ng apat nilang anak—sina Milo, Yanni, Maypey, at Migo.

Naging popular sa screen name niyang Michael V, nag-umpisang makilala si Bitoy sa mga kantang pinasikat niya at sa mga karakter na kanyang ginagampanan sa longest-running gag show on Philippine TV na Bubble Gang.

Ano ang pakiramdam na bahagi siya ng dalawa sa pinakamatagal na TV shows sa bansa—ang Bubble Gang at Eat Bulaga?

Sagot ni Bitoy, “Ako nga proud dahil nasa Bubble Gang ako, nasa Eat Bulaga! ako, mga matitinding programa ‘yan.

“Wala naman talagang plano nung una, e, nagtuluy-tuloy, nagustuhan ng audience.

"So, parang ang choice namin, e, 'Ano ba? Itigil na natin ‘to [Bubble Gang] o ituloy natin ang pagpapasaya sa mga tao?'

“Kagaya siguro ng Eat Bulaga, choice namin na magpasaya ng mga tao.”

Common touch

Ano ba ang sikreto ng Bubble Gang at naabot ang kasikatang tinatamasa nito ngayon?

Saad ni Bitoy, “Ang Bubble Gang kasi reflection ng society kung ano'ng nangyayari ngayon.

“'Yun 'yung pinipilit naming gawin, 'yun ang pinipilit naming i-mirror.

“So, siguro, natutuwa 'yung mga tao, 'yung mga audience, dahil nakikita nila 'yung mga sarili nila.

“Nakikita nila 'yung nangyayari sa paligid nila, na napapanood nila sa show namin.”

Saan nanggagaling ang nakakaaliw at kuwela nilang mga konsepto para sa show?

Sagot niya, “As far as material is concerned, 'yung germ ng idea nanggagaling siyempre sa mga writers namin.

“Lahat sila nire-require na dun sa creative meeting, meron kang baon o germ of an idea na puwedeng i-develop." —PEP


For the full story, visit PEP.