Andre Paras reveals how he manages having two love team partners
Lumalabas na dalawa ang nakikilalang ka-love team ni Andre Paras ngayon.
Sa pelikula, madalas na silang dalawa ni Yassi Pressman ang magkapareha.
Ang pinaka-latest nga nila ay ang Wang Fam ng Viva Films sa direksiyon ni Wenn Deramas.
Sa telebisyon naman ay sila ni Barbie Forteza dahil sa afternoon series ng GMA Network na The Half Sisters.
Paano niya pinakikibagayan ang dalawa?
Sabi ni Andre, “Well, when it comes to dealing with them both, I make it a point na whatever the character, gagawin ko po sa character nila.
“And yung maganda po rito, wala pong naghe-hate o nagba-bash.
“Kasi alam naman nila what I love about them, what I love about our fans.
“They respect our work and ginagawa namin 'to para sa kanila, to entertain them.
“That’s why hindi po ako natatakot to show something different with them [Yassi and Barbie], like chemistry.
“Kasi first naman pong makakapansin are the fans… I’m not afraid or hindi ako naiilang kahit dalawa ang love team ko.
“Alam ko po, irerespeto ng mga fans namin yun.”
May nararamdaman ba siya sa sinuman sa dalawang ka-love team niya trabaho lang talaga?
Sagot ni Andre, “Of course, work… si Yassi naman po, siya ang una kong nakasama sa work, sa Diary ng Panget.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andre sa presscon ng Wang Fam noong November 11 sa Music Hall sa Metrowalk.
CAREFUL. Sa kaguwapuhan ng panganay na anak na ito ni Benjie Paras, malamang ay lapitin ito ng mga babae.
May mga insidente na kapag ang babae ang nagpapakita ng interes, anything can happen, like mabuntis ito.
Pero imposible raw na mangyari ito kay Andre.
Aniya, “Hindi ko po iniisip yun.
"I don’t think that’s ever gonna happen the way Dad raised me naman.
“Itinuturo niya sa akin, ‘Kung may mga girls na lumalapit sa ‘yo, ikaw lang ang nakakaalam how to avoid them.’
“Ako naman po, bumabarkada po ako sa tama, kahit sabihin pa ng tao na it’s not cool or anything.
“It doesn’t matter as long as ka-jibe mo at they understand who you are as person, that’s important.
“For me naman po kasi, yung mga babaeng nabubuntis at the wrong age, nagkakamali lang siguro.
“Siguro mahal lang nila or napapabarkada sa mali.
“I really want to thank Dad kasi lahat ng mga kaibigang dinala ko sa bahay, boys or girls, ina-approach niya.
“Alam niyang nakaka-relate sila sa akin and that’s important to him, yung mapabarkada ako sa tama po.” -- For the full story, visit PEP.