Bea Binene tells AlDub fans: ‘Magkaibigan kami ni Alden way before’
Nagbigay ng kanyang panig si Bea Binene hinggil sa pagkontra ng ilang fans ng AlDub—ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza—na kumukontra sa pagiging malapit ni Alden sa ibang babae, kagaya niya.
Sa social media, may ibang fans na kumukontra sa posibleng pagdalo ni Alden sa 18th birthday celebration ni Bea.
Pero sa debut party ni Bea na ginanap sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel nitong Martes ng gabi, November 3, ay sinorpresa ni Alden si Bea nang biglang lumabas ang Pambansang Bae upang isayaw ang debutante.
Si Alden ang last dance ni Bea sa 18 Roses.
A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on
Bea appeals
Pagkatapos ng party ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! Magazine si Bea.
Naging maingat sa pagsagot ang Kapuso actress nang tanungin ng PEP kung ano ang reaksiyon niya sa ibang diumano’y AlDub fans na nagagalit sa kanya dahil sa pagiging malapit niya kay Alden.
Pahayag niya, “Parang feeling ko, kailangang kong piliing mabuti ang mga sasabihin ko kasi baka lagot ako, di ba?
“Siguro, unang-una, sobrang hanga ako sa fandom nila [AlDub], sobrang hangang-hanga ako sa AlDub Nation.
“Pero kailangan siguro, lahat naman tayo, minsan kailangan nating intindihin na may mga kaibigan din naman ang ibang tao, not just Alden.
"Siguro kahit lahat naman po na may ka-love team or something na ipina-partner sa iba, siguro normal lang naman na to have personal life, to have friends na alam mo naman talaga na walang something.
“Si Alden, isa talaga siya sa pinaka-close ko talaga.
“Siya 'yung tipong kahit 'di kami nagkikita, tatanungin niya ako, ‘Kumusta ka na?’
"Minsan bigla ka na lang niyang tatawagan, 'Bey, kumusta ka na?’ Ganun." —PEP
For the full story, visit PEP.