Filtered By: Showbiz
Showbiz
Matapos ng 'Heneral Luna'
Pelikula tungkol sa buhay ni Heneral Gregorio del Pilar, tuloy na
Si Paulo Avelino pa rin ang gaganap sa susunod na pelikulang gagawin ng produksyon na nasa likod din ng matagumpay na historical movie na Heneral Luna.
Sa artikulong inilabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Biyernes, inamin ni Paulo na kinakabahan siya na baka hindi niya mapantayan ang tagumpay ng Heneral Luna, na pinagbidahan ni John Arcilla.
"Siyempre nandun lagi ang kaba," ani Paulo. "Sana suportahan. Kung hindi man mapantayan yung suporta ng Heneral Luna, malagpasan pa."
Sa Heneral Luna, nakita na ang karakter ni Heneral del Pilar, na kilala rin sa tawag na "Goyong," na isa sa mga heneral na nagbigay ng proteksiyon kay Pangulong Emilio Aguinaldo para makatakas sa puwersa ng mga tumutugis na tropa ng Amerikano.
Bagaman namatay sa labanan si del Pilar, na kabilang sa mga pinakabatang heneral sa Pilipinas, nababalot din ng kontrobersiya ang kaniyang pagkamatay tulad ng pagkamatay ni Luna. -- For the full story, visit PEP.
More Videos
Most Popular