Filtered By: Showbiz
Showbiz
Alden sa Kalyeserye: 'Parang naging advocacy na nagbabago ng buhay ng isang tao'
By Rose Garcia, PEP
Walang kaduda-duda na ang Kapuso star na si Alden Richards ang pinakasikat na young actor ngayon sa Pilipinas.
Kaliwa’t kanan ang inquiries at offers sa kanya—out-of-town and out-of-the-country shows at lalo na ang product endorsements.
Bawat mall show at personal appearances nga ni Alden ay dinadagsa talaga ng libu-libong katao.
Pero sa kabila ng lahat ng ito, halos lahat ay nagsasabing kung ano ang pagkakakilala sa kanya bago pa siya maging sobrang sikat, ganun pa rin ang pag-uugali at pakikisama na nakikita sa kanya hanggang ngayon.
Ano ang pananaw ni Alden sa kasikatang tinatamo niya ngayon bilang Pambansang Bae?
Saad niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Katulad ng sabi ko rin po noong una, title lang yun.
“Yung mga tao pa rin ang magsasabi if you deserve that title.
“And ako, all I have to do is just continue to be myself and give inspiration to people.”
Hindi biro ang naitatalang tweets ng Kalyeserye nila ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga! araw-araw.
Noong September 26 nga ay umabot sa 25.6 million ang tweets para sa hashtag na #AlDubEBforLOVE.
Ano ang pakiramdam niya rito?
Ayon kay Alden, “Sobra, hindi lang Philippines yung record.
“Hindi ko na ma-explain...
"Kumbaga, yung buong AlDub phenomenon, walang makapag-explain.
“Kung bakit ganun siya kalaki, the reaction of the people kung bakit ganun.
“Hindi ko po alam, e.”
FEEL GOOD. Pero nagtangkang magpaliwanag si Alden tungkol sa phenomenon na ito.
“Siguro po, ngayon lang sila nagkakaroon ng belonging.
“They feel so attached to the phenomenon, to AlDub, kasi it changes life, nagbabago siya ng buhay.
“Ang dami kong nababasang tweets, because of AlDub, ‘Natutunan ko kung paano magpatawad.’
“Because of AlDub, ‘Mas naging closer ang bond ng family namin.’
“They make AlDub as bonding time of their family.
“Because of AlDub, ‘Nabawi ko ang hindi magandang ugali ko before.’
“Parang ang sarap maging part ng isang... hindi naman siya project—advocacy.
“Parang naging advocacy na nagbabago ng buhay ng isang tao.
“Ang sarap lang dahil yung nai-impart ng Kalyeserye is more than money, more than fame.
“Kasi sa kanila… kaya kahit nagkakasakit na ako, hindi ko mini-miss ang Kalyeserye.
“Kasi I don’t want na mawala dun sa cycle.
"Kahit ako kasi, nai-inspire ako."
Pero nitong dalawang araw, Martes at Miyerkules, ay hindi napanood si Alden sa Eat Bulaga.
Hindi dahil may sakit siya kundi dahil sa out-of-town appearances niya at shooting ng pelikulang My Bebe Love.
Sa lahat ng nangyayaring ito sa kanya ngayon—ang kasikatan ng AlDub, ang pagiging Pambansang Bae, endorsements, MMFF movie, gold record album—may kaakibat na pressure din ba siyang nararamdaman?
Sagot ni Alden, “Wala po. Honestly, wala po.
"Parang no time for pressure, just enjoy.” -- PEP.ph
Tags: kalyeserye
More Videos
Most Popular