Filtered By: Showbiz
Showbiz

Liza Diño ready to have own baby with Aiza Seguerra through IVF  




Pagkalipas ng sampung buwan mula nang ikasal sila, nagpaplano na sina Liza Diño at Aiza Seguerra na magkaroon ng sarili nilang anak.

Ayon kay Liza, napag-usapan na nila ito ni Aiza, at maging sa kanyang seven-year-old daughter mula sa dating karelasyon ay unti-unti na nilang pinaiintindi ang bagay na ito.

Pahayag ng aktres, "Actually, ang plano na nga namin is yung anak naming sarili.

"Yes, it's the plan through IVF kasi gusto rin na...

"Siyempre, si Aiza who's always saying na gusto niyang magkaroon ng sarili niyang anak.”

Sa IVF o in vitro fertilization, ang sperm mula sa isang sperm donor ang ginagamit i-fertilize ang isang mature egg mula sa ovary ng babae. Ginagawa ito sa laboratoryo.

Kapag na-fertilize na ang mature egg, saka naman ito i-implant sa uterus ng babae hanggang sa maging isang sanggol na nga ito.

Ang mangyayari kung sakali, ang egg mula sa ovary ni Aiza ang ipe-fertilize at i-implant sa uterus ni Liza hanggang mabuntis ito.

Saad nga ng dating beauty queen, “Meaning it's his [Aiza] own genes, its his own egg. 

"So, it's Aiza's gonna… ako yung magiging surrogate.

"So, it's a shared experience and responsibility.

"Pareho naming anak, kasi sa akin nga lumabas, ganun."

Gayunpaman ay nag-aalangan rin daw silang gawin ito sa ngayon, “Kasi it costs money.”

Sabi pa ni Liza, “Siguro isa-isa lang, pero it's part of our plan."

Kung sakaling matuloy ito, sino ang nasa isip nilang gustong maging sperm donor?

Ayon kay Liza, “It's anonymous…. in the US, marami namang banks dun.

"[Gusto namin] yung blue eyes at saka matangkad."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Liza sa press launch na QCinema International Film Festival, kung saan isa sa mga entry ang dokumentaryong Traslacion.
 
CHALLENGES. Samantala, muling binalikan ng better-half ni Aiza ang mga pinagdaanan nila matapos silang ikasal ng dalawang beses.

Una sa Amerika at ang pangalawa nama'y dito na sa Pilpinas.

Sabi ni Liza, "After our marriage, yung mismong kasal namin, dun namin na-realize na napakaraming tao ang negatively affected by it.

“May mga nagsasabing, 'Okey lang na kayo, pero nung nagpakasal kayo, that's crossing the line already.'

"Hindi lamang ito nakaapekto sa relasyon namin, pati sa mga trabaho namin.

"Nawalan kami ng work, may mga ganung instances, and both of us...

"May mga show siyang na-cancel, ako din.

"Parang na-typecast ako, na-stereotype ako how people see us.

"Sometimes, hindi lamang... ang kumplikado kasi, hindi lamang dahil sa same-sex relationsahip.

“Kundi, it's the fact that I'm with Aiza; sometimes, people are even thinking na it's beyond us.

"Na puwedeng ginagamit ko lang si Aiza, ang dami pang ganun na puwede pa nilang isipin about us." -- For the full story, visit PEP.