Filtered By: Showbiz
Showbiz

Snooky Serna converts to Iglesia ni Cristo after being healed of sickness




Hindi na pinagtatakhan ang pagkakasama ni Snooky Serna sa bio-epic movie na Felix Manalo na pinagbibidahan ni Dennis Trillo, dahil gaya nina Jacklyn Jose at Gladys Reyes, isa nang kapatid o kasapi sa Iglesia ni Cristo ang aktres.
 
Papel ni Pilar Manalo-Danao, panganay na anak ni Felix Manalo, ang founder ng Iglesia ni Cristo, ang papel na ginagampanan ni Snooky sa pelikula. 
 
Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres matapos ang presscon ng nasabing movie noong Martes, September 22 sa Manila Hotel, muling idinetalye ni Snooky ang rason kung bakit siya nagpa-convert sa Iglesia ni Cristo.
 
Receiving a calling

“Ang katotohanan, 'natawag' ako. Kasi kanya-kanyang experience 'yan, e. Ako, natawag ako dahil sa pagpapahid ng langis.”
 
“'Di ba, it says in the Bible? Talaga namang biblical 'yun. Ayokong misconstrue ang Bible. 
 
“Pero ang bottom line with all due respect sa Bible, kapag merong masakit sa iyo, you call the elders of the church to anoint you with oil and you will be healed and your sins will be forgiven.”
 
Nabalita noon na nagkaroon ng boyfriend na Iglesia ni Cristo member si Snooky kaya ito nagpa-convert.
 
Paliwanag ng Kapuso actress, “It’s not true. 'Yun nga ang reason, uulitin ko, dahil sa pagpapahid ng langis.
 
“May sakit ako noon. I was in fear of having cancer. Kasi nagkaroon ako ng polyps. Tinubuan ako sa colon at saka sa pancreas. 
 
“Kaya lie low rin talaga ako noon at that time sa career ko kasi I was very sick. 
 
“Kaya lang siyempre, hindi nga lang alam ng mga tao. I wanted to keep it a secret. Alam mo naman kung minsan buhay ka pa, sasabihing patay ka na.
 
“And I wanted peace and just to relax lang. Ayoko ng masyadong commotion nang mga time na yun.
 
Iglesia couple to the rescue
 
“I was soul-searching at that time, kasabay ng pagkakaroon ng sakit na 'yun.
 
“And then thankfully, may mga kaibigan akong mga mang-aawit sa Iglesia. Nineteen years ko na silang kaibigan na mag-asawa." —PEP
 
For the full story, visit PEP.