Filtered By: Showbiz
Showbiz
Epy Quizon, nalungkot sa tanong tungkol role niya sa Heneral Luna bilang si Apolinario Mabini
By Nerisa Almo, PEP
(Photo: Facebook photo of Epy Quizon)
Nagtaka ang Heneral Luna star na si Epy Quizon sa mga komento ng ilang manonood tungkol sa karakter niya na si Apolinario Mabini.
Si Epy ang gumanap bilang "Sublime Paralytic" sa Heneral Luna na siyang Philippine entry sa Best Foreign Language Film category ng 2016 Oscars.
Naging viral sa social media ang isang Twitter post kung saan sinabi na may isang nanonood ng Heneral Luna ang nagtataka kung bakit laging nakaupo lamang si Apolinario Mabini sa buong pelikula.
Ipinagtaka ito ni Epy nang siya mismo ang matanong tungkol sa bayaning kanyang ginampanan sa pelikula.
Sa kanyang Facebook account, napatanong tuloy ang aktor: “What have we been teaching these kids in our history classes?”
Ang kanyang karakter na si Mabini ay nagkasakit ng polio kung kaya, hindi siya nakakatayo at nakakalakad.
Kahit ang parody accounts ng mga bayani ay may birong sagot sa mga nagtataka sa kalagayan ni Mabini.
Si Apolinario Mabini ang tinaguriang “Utak ng Rebolusyon.” Kilala rin siya bilang Dakilang Paralitiko dahil sa kanyang mga naging kontribusyon para makamit ang kalayaan sa ilalim ng mga dayuhang Amerikano.
Siya ay naging punong tagapayo ni dating Presidente Emilio Aguinaldo. Gayundin, naging miyembro ng kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas.
Nang hindi magtagumpay ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, si Mabini ang nagmungkahing palitan ang diktaduryang pamahalaan ni Aguinaldo ng isang rebolusyonaryong pamahalaan laban sa mga dayuhan.
Nang madakip ng mga Amerikano, ipinatapon si Mabini, kasama pa ang ibang Pilipino, sa Guam.
Namatay si Mabini noong 1903 sa edad na 38.
Sa kabila ng nakapagtatakang reaksiyon ng ilan tungkol sa kanyang karakter, nagpasalamat si Epy sa mga taong tumangkilik sa pelikulang Heneral Luna na patuloy pa ring napapanood sa mga sinehan.
Aniya, “Thank you for choosing to be part of this revolution... and to the netizens who voiced out and stood side by side with us... i salute you all... Viva Revolucion!!!” -- For the full story, visit PEP.
Tags: epyquizon, heneralluna
More Videos
Most Popular