Filtered by: Showbiz
Showbiz

Costumes ni Yaya Dub sa EB kalyeserye, alamin kung sino ang gumagawa


Ang boutique na pag-aari ng isang sikat na dance instructor at television personality ang napag-alaman na gumagawa ng mga damit na isinusuot ni Maine "Yaya Dub" Mendoza sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

“We make their costumes. Yung mga gown, yung mga outfit,” masayang sabi ni Regine Tolentino, may-ari ng Regine's Boutique.

Hindi pa raw nakikita nang personal in Regine si Maine kahit ilang beses na itong nagpunta sa boutique at ilang beses na nila itong nagawan ng costume.

Kuwento ni Regine, “Number one fan niya [Maine] ang anak ko, pati na rin ako.

"Wala pa siya sa Eat Bulaga, pinapanood na namin ang mga Dubsmash niya.

"So, hanggang ngayon, inaabangan ko rin ang pagmi-meet namin.

“Puro sa text, binabati niya ako. Lahat ng staff ko, may picture, may bati sa kanya.”

Puring-puri naman ni Regine si Alden.

“Dito [sa RT Studio sa Valencia, Quezon City] siya nagwu-workshop; acting, dancing, rehearsals niya. 

"At bago pa sumikat si Alden, nakasama ko na ‘yan sa trabaho at wala akong masabi kung hindi sobrang bait niya.

“He really deserves all the success and everything that’s coming to him, because he’s really hardworking and he’s really so sweet talaga.

"I love him, I love him." -- For the full story, visit PEP.

LOADING CONTENT