Filtered By: Showbiz
Showbiz

AiAi delas Alas explains why Jiro Manio's father does not want to talk to her




Kahit hindi nakausap ni AiAi delas Alas ang ama ni Jiro Manio sa Japan, naging daan ito para maayos ang ilang bagay tungkol sa relasyon nito sa anak na aktor.

Sa presscon ng bagong entertainment talk-comedy-magazine show ng GMA Network na CelebriTV noong September 15, sinabi ni AiAi na gusto lang niya talagang tulungan si Jiro.

Gumanap na mag-ina sina AiAi at Jiro sa movie franchise na Ang Tanging Ina.

Lahad ng Philippine Queen of Comedy, “Ito, ikukuwento ko ito, hindi dahil sa nakikisali, kasi tinanong niyo ito...

"Ayoko kasing pinaparatangan ako na ginagamit ko si Jiro sa publicity.

“Kasi, una sa lahat, hindi ko naman kailangan 'yon.

“Kasi hindi naman kailangan, di ba? Ako pa ba, in twenty years ko ba...

"At saka gumagastos pa ako para gawin ko ito kay Jiro.” 

Ayon kay AiAi, ayaw siyang kausapin ng Japanese dad ni Jiro.

“Ayaw naman niya talagang makipag-usap sa mga Pinoy kasi meron siyang sama ng loob.

"Iyon yatang lola, the mother nung mother [ni Jiro], is nagkaroon sila ng difference."

Hindi raw nakakarating kay Jiro ang mga ipinapadala ng ama nito.

“Dahil sabi niya [ama ni Jiro], parang ang nangyari kasi, yung responsibility niya being a father, nabura.

"Kasi yung lahat ng ipinapadala niya kay Jiro, hindi nakakarating kay Jiro.

“Kaya dun siya medyo sumasama ang loob.

“Ayaw nga niyang makipag-usap [sa akin] kasi masyado siyang nao-offend. And ayaw niya din yung magulo.

“And higit sa lahat, may sakit yung father.

“So, nirerespeto namin yung kalagayan nung tatay.”

Hindi na raw kinumpronta ni AiAi ang lola ni Jiro kung bakit hindi nakakarating sa aktor ang suporta ng ama nito.

“Huwag na, hindi ko naman problema yun, e. Hindi ko na sakop 'yon.”
 
JAPANESE TO JAPANESE. Ang kaibigan na Hapon ni AiAi ang nakipag-usap sa ama ni Jiro.

Kuwento niya, “Yung Japanese kasi, yung friend namin, si Mr. Nakasawa, siya yung nakipag-usap kay Mr. [Yusuke] Katakura [Jiro’s father].

“So, nirerespeto namin dahil si Mr. Katakura is maysakit. Kakalabas lang ng ospital.”

Wala na bang pag-asa na makausap nila nang personal ang ama ni Jiro?

Sagot ni AiAi, “Sabi ko nga, hangga’t may buhay, may pag-asa.

“Gagawin ko ulit ang lahat ng makakaya ko para maging maayos, at maayos ko itong problema nung dalawa.

“Bakit ko tinatiyaga ito? Kasi ipinangako ko ito kay Jiro, na gagawin ko ang lahat, na tutulungan ko siya nang walang kapalit.

“Si Lord na ang bahala sa akin.”

May sama ba ng loob kay Jiro ang ama? Alam ba nito kung ano ang mga nangyari kay Jiro?

Tugon ni AiAi, “Actually, oo, alam niya lahat.

“Kasi sinusuportahan niya si Jiro... hindi ngayon, pero ibig kong sabihin, hindi niya binibitawan ang responsibility niya being a father.

“Nasa ano naman ni Jiro... kumbaga, victim nga yung dalawa, e. Yung father and son, victim.

“Parang [ang sinasabi ng father ni Jiro], ‘Ako, hindi kita kinakalimutan.’

“Yung anak niya, akala niya kinalimutan siya.” -- For the full story, visit PEP.