Filtered By: Showbiz
Showbiz

Wency Cornejo slams Jovit Baldivino for lack of respect, class




Inihayag ng veteran singer-composer na si Wency Cornejo ang kanyang pagkadismaya sa kapwa singer na si Jovit Baldivino kaugnay ng insidenteng nangyari nang pareho silang nag-perform sa isang show sa General Santos City.
 
Si Wency ay ang bokalista ng bandang After Image na nagpasikat ng mga kantang "Habang May Buhay," "Next In Line," at "Mangarap Ka."
 
Bilang solo performer naman ay kilala si Wency, anak ng Kapuso broadcaster na si Mel Tiangco, sa kanyang awiting "Hanggang."
 
Si Jovit naman ang grand champion ng unang season ng ABS-CBN singing reality search na Pilipinas Got Talent noong 2010.
 
Inihayag ni Wency ang pangyayari sa isang Facebook post.
 
"Nag show ako kagabi sa Labangal, Gensan.
 
"Nakakalungkot isipin na may mga performer katulad ni Jovit Baldovino na hindi marunong rumespeto sa mas nakakatandang musiko.
 
"Hindi man ganun kasikat, kung ang nagsulat at orihinal na nag record ng awitin ay kasama mo sa isang show, hindi mo dapat unahang kantahin ang awitin nya.
 
"Kahit pinakiusapan na hindi pa rin sya pumayag na huwag kantahin.
 
"It just goes to show, it is very hard to teach humility, respect and class."
 
 

Nag show ako kagabi sa Labangal, Gensan. Nakakalungkot isipin na may mga performer katulad ni Jovit Baldovino na hindi...

Posted by Wency Cornejo on Monday, September 7, 2015
 
Ang admin ng isang fan page ni Jovit, humingi ng paumanhin para sa singer.
 
“We humbly apologize IF there are any mistakes done by jovit to hurt one of the icon(s) of music industry. However, I have no knowledge of what has happened but I respectfully say I’m sorry. We will just be waiting for the official statement from jovit and the company he’s with during the concert, again we’re so sorry po sir wency cornejo…,” ayon sa admin.
 
Nag-reply dito si Wency: “There’s no need to apologize to me. Hindi naman sa akin nangyari eh. Si Kuya Rene dela Rosa ang apektado. Napakaliit ng mundo ng musika. We need to band together as one. Let’s not try to make factions. Mabuhay ang Musikong Pinoy!”

Si Rene dela Rosa ang kumanta ng "Pusong Bato."
 
Sa isang Instagram post niya (@jovitbaldivino), sinabi nitong handa na siyang mag-perform para sa mga taga-Labangal, General Santos City.
 
Dito ay may nagkomento at ipinarating ang mga pahayag ni Wency laban sa kanya.
 
Hindi pa rin niya ito sinasagot hanggang ngayon. —with a report from GMA News.