Filtered By: Showbiz
Showbiz

Angelu de Leon on married life: ‘Puwede pala siyang ganun kasaya kahit may problema’




Kailanman ay hindi raw naging problema sa asawa ni Angelu de Leon na si Wowie Rivera na tanggapin ang mga anak ng aktres sa pagkadalaga na sina Nicole at Louise.
 
Si Nicole ay anak ni Angelu sa dati niyang nobyo na si Joko Diaz, habang si Louise naman ay anak ng aktres sa negosyanteng si Jojo Manlongat.
 
May isang anak na lalaki naman sina Angelu at Wowie, si Rafa.
 
Inamin ni Angelu sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ipinagdamot niya ang mga anak noong nililigawan pa lang siya ni Wowie.
 
Paliwanag ng Buena Familia star, "Kasi alam naman ninyo na noong time ni Ronald [Singson, her ex-boyfriend], we were very open.
 
"We were like family and it didn’t end well.
 
“Sila [Angelu's daughters] 'yung mas nasaktan. Kasi sobrang bata pa lang sila. One year pa lang 'yung second ko. 
 
“So, after nung relationship, sinabi ko na hindi ko idadadamay 'yung mga anak ko with any relationship I would have, until it is sure na ikakasal na kami, which is what happened with my husband.
 
“Alam ng mga bata na magkaibigan kami, which is true...badminton friends kami.”
 
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelu sa kanyang birthday dinner noong Sabado, August 22, sa Spice & Cleavar resto, Pasig City.
 
Good provider
 
Ayon kay Angelu, all-out ang suporta ni Wowie sa lahat ng kanyang mga anak.
 
"Minsan nga, 'pag wala akong oras, siya pa 'yung naghahatid sa school."
 
Nagbibigay rin ba ng financial support si Wowie sa dalawa niyang anak na babae?
 
“Oh, yes, yes. Kasi kasama 'yun sa package,” sagot ni Angelu.
 
Masaya raw ang aktres sa piling ng asawa.
 
“Hindi ko nga maintindihan, parang with all the relationships I had, siyempre parang jaded ka. —PEP
 
 
For the full story, visit PEP.