Filtered by: Showbiz
Showbiz

Zoren Legaspi believes networks should be open to 'sharing of actors'


Balik-Kapuso si Zoren Legaspi para sa bagong remake ng Marimar na pinagbibidahan nina Megan Young at Tom Rodriguez.
 
“I’m happy to be back dahil matagal akong nawala. Siguro mga five years din akong nawala sa kanila, e. I’m happy to be back,” pahayag ng aktor.
 
Wala raw siyang kontratang pinirmahan sa GMA Network at lagi naman daw siyang freelancer kahit noon pa man.
 
“I believe na dapat ang mga artista, talagang freelancer. Dapat magkaroon ng understanding ang mga istasyon na magkaroon ng sharing ng actors,” aniya.
 
“Otherwise, ang magsa-suffer niyan, yung viewers, na paulit-ulit na lang ang pairing.  Ang maganda, kung napi-pair ang bawat isa dun din sa kabilang istasyon. Strong believer ako dun para magkaroon ng iba-ibang klase ng pairing na hindi nakakasawa.” 
 
Si Zoren ay nasa GMA ngayon, habang ang asawa naman niyang si Carmina Villarroel ay nasa ABS-CBN.
 
Hindi ba isyu sa kanilang mag-asawa na magkaiba sila ng network na kinabibilangan ngayon?
 
Saad ng aktor, “Feeling ko, advantage na magkaiba kami ng istasyon para napi-pair ako sa iba, napi-pair din siya sa ibang artista. At the same time, pag-uwi namin, meron kaming iba-ibang kuwento. Kasi iba ang style dito, iba rin yung style dun sa kabilang channel.” PeP.Ph