ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Jaclyn Jose amused that her kontrabida character was a peg for Lola Nidora
By RUEL J. MENDOZA, PEP
Marami ang nagsasabing ang peg ng sikat ngayong TV character ni Wally Bayola sa Eat Bulaga!, si Lola Nidora, ay ang kontrabida role ni Jaclyn Jose sa teleseryeng "Mundo Mo’y Akin" na si Doña Charito Vda. de Carbonel.
“Oo, at napansin ko nga!” natatawang pagsang-ayon ni Jaclyn.
Sabi pa ng aktres, “Nagngingitngit ako diyan kay Lola Nidora. Ako ang harapin niya. Lola sa lola kami!"
“Kapag kasi nakikialam ‘yang si Lola sa pagmamahalan nila Alden [Richards] at Yaya Dub, pati ako apektado, nagagalit ako talaga,” patuloy na tawa niya.
Inamin ni Jaclyn na parati niyang inaabangan ang kalyeserye ng "Eat Bulaga!" at tagahanga siya ng tambalang AlDub nina Alden at Yaya Dub.
Sabi niya, “Natutuwa ako sa kalyeserye na ‘yan. Nakakawala ng stress. Kapag ‘yan na ang nasa TV, ang sarap tumawa. Pero kilig pa more din ako dahil sa AlDub. Bagay silang dalawa, ‘di ba?”
Masaya rin ang aktres para kay Alden dahil nagbubunga na raw ang pagiging masipag at mabait nito.
Tatlong beses nang nakasama ni Jaclyn si Alden sa mga teleserye ng GMA: "Mundo Mo’y Akin," "Carmela," at "Ilustrado."
Mapapanood naman ngayon ang batikang aktres sa pinakabagong Pinoy remake ng hit Mexican series na "Marimar" bilang Senyora Angelica Santibañez, kung saan isa siya sa mga mang-aapi sa bidang si Marimar, na gagampanan ni Megan Young.
Magsisimula nang ipalabas ang "Marimar" ngayong Lunes, August 24, pagkatapos ng "24 Oras." —PEP
More Videos
Most Popular
