Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sef Cadayona says he can never step into the shoes of Ogie or Janno




Pinagkatiwalaan ng GMA News and Public Affairs si Sef Cadayona para magbida sa modern retelling ng Pinoy folklore na Juan Tamad.

Kahit six years na siyang nasa showbiz, parang nabibilisan pa rin daw sa pangyayari ang StarStruck V alumnus.

Saad ng Kapuso comedian, “Para sa akin nga po, sa buhay ng komedyante, specifically at my age, parang ang bilis nga po ng pangyayari.

"Nagkaroon nga po ako ng title role, kasi kapag comedians po, minsan nagkaka-title roles sila kapag thirty, thirty-five. 

“Ako naman, kaka-twenty-five ko lang po.

"So, parang nakakatuwa pong isipin."

Dagdag niya, “Yun nga po, nabibilisan pa ako sa mga nangyayari sa akin, but I can guarantee po na pinaghirapan ko ‘to.

“Pinagbutihan ko po talaga kada eksena. Kahit reaction lang po, pinag-iisipan ko talaga.

“Simula rin naman po nang gumawa ako ng comedy, palagi rin naman pong kine-cater ang comedy ko for the kids.

“Specifically yung palaging sinasamahan ng mga magulang yung mga anak nila na manood.

“Yun po talaga ang gusto kong gawin, and I’m very fortunate enough nga po na ibinigay si Juan Tamad sa akin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sef sa presscon ng Juan Tamad, nitong Martes ng gabi, August 18, sa 17th floor ng GMA Network Center.
 
OGIE AT JANNO. Puwede kayang sabihin na, bilang komedyante, tila siya ang nakinabang sa pagkawala sa Kapuso network nina Ogie Alcasid at Janno Gibbs?

Paglilinaw ni Sef, “Hindi po ganun.

"Una sa lahat, I can never replace or even gayahin po kung paano nila inatake ang comedy.

“Mahirap po yun, kapag kinuha mo ang klase ng comedy nila, sasabihin kaagad-agad...

“Ako, mararamdaman ko yung, ‘A, ginagaya niya ang comedy ni Janno. A, ginagaya niya ang comedy ni Ogie.’

“Parang nangyari nga po na nawala na sila sa network na ‘to, hindi sumagi sa akin sa akin na ako na.

“Kasi, ever since naman, kahit anong role ‘yan, tinatanggap ko talaga.”
 
OBJECT OF ENVY? Tila nasamid naman si Sef nang tanungin namin kung kinaiinggitan na ba siya ngayon ng ibang artista sa Kapuso network.

Aniya, “Hindi po, hindi ko naman nararamdaman yun.

“Nakakatuwa po, kasi yung mga guests namin dito sa show are not really guests, but a cameo.

“Magugulat ka, bigla silang aapir out of nowhere.”

Ayaw namang sabihin ni Sef kung sinu-sino ang magka-cameo sa Juan Tamad.

Abangan na lang daw sa pilot episode nila sa Linggo, August 24, 4:45 P.M.

Hindi raw mangyayari na makakampante si Sef ngayong may sarili na siyang show.

Saad niya, “Maganda yung napulot kong aral kay FLG Atty. [Felipe L. Gozon, chairman and CEO of GMA].

“May in-attend-an akong event nun, nag-talk si FLG.

"Sabi niya, ‘Hindi porke nagkaroon ka ng achievement, mag-i-stick ka na dun. You have to continue working today 'til tomorrow.

“'Huwag mong bitbitin ang mga achievements mo na nagawa kasi, eventually, hindi mo naman siya madadala sa future.’

“So, nag-stick siya sa utak ko.

"Halos kakaalis ko pa lang nun sa StarStruck nang marinig ko yun.

“At saka, bakit po si Bossing [Vic Sotto], ang daming nangyari sa buhay nila, pero tuluy-tuloy lang sila.

“So, for me, kung si Bossing nga ganun pa rin, kung si Kuya Bitoy [Michael V] nga ganun pa rin, sino ako?” -- For the full story, visit PEP.

Tags: sefcadayona