Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alyssa Valdez denies being the cause of Kiefer Ravena-Mika Reyes breakup


 
Mariing pinabulaanan ng multi-awarded volleyball player na si Alyssa Valdez ang tungkol sa third party issue, kung saan nadadawit ang pangalan niya sa hiwalayan ng basketball player na si Kiefer Ravena at ng dati nitong girlfriend na volleyball player din na si Mika Reyes.
 
Diumano, kay Alyssa raw nali-link ngayon si Kiefer.
 
Pahayag ni Alyssa, “Grabe, hindi po, hindi po totoo talaga.
 
“We’re really good friends [ni Kiefer] when I entered Ateneo.
 
“So, I think that’s it. Wala naman po.”
 
Si Alyssa ay miyembro ng volleyball varsity team, ang Ateneo Lady Eagles; habang si Kiefer naman ay miyembro ng basketball varsity team, ang Ateneo Blue Eagles.
 
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Alyssa sa media lunch ng mga napiling ambassadors ng PLDT Home Ultera na ginanap nitong Agosto 3 sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.
 
Collectively known as Ultera Barkada, kasama ni Alyssa bilang ambassadors ang iba pang volleyball players na sina Rachel Daquis, Jaja at Dindin Santiago, Ara Galang, Mika Reyes, John Vic De Guzman, at Peter Torres.
 
Bukod kay Alyssa, tanging sina Jaja, Dindin, at Peter lang ang dumalo sa media launch.
 
May ibang schedules at commitments daw ang ibang ambassadors.
 
Present din sa event ang PLDT Vice President at Home Marketing Head na si Gary Dujali.
 
Nabanggit nga na isa sa ambassadors ng PLDT Home si Mika.
 
Dahil no-show si Mika sa media launch, may kinalaman kaya ang intriga sa kanila o umiiwas ito kay Alyssa kaya hindi ito nagpunta?
 
Sabi ni Alyssa, “I don’t think so po.
 
“Everyone naman po has commitments and, as an athlete, we have to be responsible sa mga commitments namin.
 
“Kailangan niya talaga yata… Ara and Mika, may training po talaga yata po sila.”
 
May ilangan ba sa kanilang dalawa ni Mika?
 
“Wala po, we’re good friends outside po,” tanggi ni Alyssa.
 
How about sa kanila ni Kiefer?
 
“Wala po. Wala naman po talagang issue, e.
 
“Naaano lang siguro… pero we’re all good friends.
 
“Everything’s okay naman po,” diin ni Alyssa.
 
Ayaw raw isipin ni Alyssa ang mga intriga. Sa halip ay gusto raw niyang mag-focus sa paglalaro at pag-aaral.
 
“We’re all focusing sa volleyball and sa studies namin ngayon. Ako, last year ko na [sa Ateneo].”
 
Hindi ba magugulat ang mga tao kung sa future ay bigla silang umamin ni Kiefer?
 
“Wow, ako yung nagulat!” bulalas niya.
 
“Wala naman po [aaminin], wala.
 
“We’re friends po, so let’s ano na lang po [leave it that way]...” —PEP