Filtered By: Showbiz
Showbiz

Meryll Soriano diagnosed with bipolar disorder at 27


Umamin ang aktres at “My Mother's Secret” star na si Meryll Soriano na mayroon siyang bipolar disorder.Ano ang unang naging reaksyon ni Meryll noong nalaman niya ang tungkol sa nangyari kay Julia?
 
Nagsimula ang rebelasyon ng 32-year-old actress nang magkuwento siya hinggil sa pakikiramay sa co-stars at mga kaibigan na sina Nonie at Shamaine Buencamino kasunod ng pagkamatay ng kanilang bunsong anak na si Julia Buencamino nitong nagdaang linggo dahil umano sa apparent suicide.
 
Bukod sa pagiging malapit nakaibigan ng pamilya Buencamino, apektado rin daw si Meryll sa nangyari sa 15-year-old actress dahil isa siyang ina, at dahil pamilyar sa kanya ang dumaan sa labis na kalungkutan o depression.
 
Saad niya, “I think ang unang nag-struck sa akin was that was how I was when I was younger. Because I also try, kumbaga you’ll always have that idea. You know, when you’re in a very dark place, depression and all that.”
 
Nagtangka rin daw siya na magpakamatay noon.
 
Dagdag niya, “Yes. Because I’m bipolar, I have bipolar disorder. I mean hindi mo maiiwasan yung mga ganung thinking and I think it was such an awakening na that kind of situation or illness or disorder or any condition that leads to a mental illness is something that we don’t understand, mostly here in this country. Na parang we lack that awareness. We think, it’s important to know.”
 
“'Di ba? Ikaw iniisip mo lang yun kasi parang, because nobody understands, people who are not depressed will never understand the real meaning of being depressed.”
 
“Yes, you can say it out loud, ‘Ah, depressed ako kasi naghiwalay kami ng boyfriend ko’, kasi ganito. Emote-emote lang. But the real meaning of depression is, it’s very complex and at the end of the day nobody will understand what you’re going through but yourself.”
 
“So it’s important that you get help, and it’s very sad because she’s very young. There was no chance, you know, to seek out or consult because she didn’t show any… according to her family.”
 
COPING. Si Meryll paano siya nagko-cope sa sitwasyon niya?
 
Aniya, “I have a doctor, I have a counselor.”
 
Hanggang ngayon ay may doktor siya at counselor.
 
Nakakagulat ang rebelasyon ni Meryll tungkol sa kundisyon niya na halos wala yatang nakakaalam.
 
“Yeah, because hindi mo naman ibu-broadcast yun, 'di ba,” at tumawa si Meryll.
 
“I mean I don’t, hindi naman siya secret pero hindi mo rin naman siya, ‘Oy ha, bipolar ako!’ Pangit naman, parang hindi naman maganda iyon, 'di ba,” at muling tumawa ang aktres.
 
“But it’s a serious condition.”
 
Sinabi namin kay Meryll na mukhang she is coping well with her condition, na halos walang nakakaalam dahil hindi nga halata sa kanya ang kundisyon niya.
 
“Yeah. It’s because I always ask for help. Yung moment that I understood that I can be helped, that it can be helped, that you know, you can live a normal life, I really stuck to that path,” pagpapasalamat niya. --PEP.ph