Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lauren Young plays kontrabida to sister Megan in Marimar remake



 
Sa unang pagkakataon, magkakasama sa trabaho si Lauren Young at ang ate niyang si Megan Young. Ito ay sa pamamagitan ng remake ng Marimar sa GMA Network, kung saan si Megan ang gaganap sa title role.

Si Lauren naman ang gaganap bilang Angelika Santibañez, na magiging kontrabida ni Megan.

Sabi ni Lauren sa pagsasama nila ni Megan sa isang proyekto, “It’s my first time to work with her. “Hindi pa kami nag-i-start ng taping, but as of now, it’s going well naman.

“I’m excited to see how it’s gonna play out…

"Yung relationship kasi namin ngayon ni Megan, sobrang strong.

“Sobrang nag-mature na kami from before na yung mga maliliit na bagay, nagkakainisan kami.

“Now, it’s just more on, okay, we have to work together.

"We also live together.

“We have to find that balance na magtutulungan tayo.

“Pero hindi yug magkakainisan tayo dahil sa isa’t isa."

Ang Marimar ay base sa Mexican telenovela na tinampukan ng Mexican actress-singer na si Thalia noong early 1990s.

Ginawan ng Pinoy version ng GMA Network noong 2007 na pinagbidahan ni Marian Rivera.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Megan noong Martes, June 23, sa Privato Hotel sa Pasig City. Ito ay para sa stage play na No Filter: Let’s Talk Bout Me, which will have its run from July 25 to August 2, at the RCBC Theater in Makati City.

KONTRABIDA. Nagbida na siya sa isang horror series ng GMA na Dormitoryo, kaya inakala ng iba na magtutuluy-tuloy na ang pagiging lead actress na niya.

Pero bakit pumayag siyang maging kontrabida muli?

Paliwanag ni Megan, “Well, as of now, I like playing the role of kontrabida.

"Masaya siya, e.

“At saka… I don’t know, parang it’s so different kasi. “But kung bigyan nila ako ng role na bida o supporting, bigyan nila ako ng kontrabida, it doesn’t really matter naman.

“I’m just happy to be blessed and to be put in this position and have a stable job.

“And I get to do what I love and, at the same time, get paid to do it.

“Yun lang naman ang importante sa akin, hindi naman ako greedy na kailangan bida lagi.” -- For the full story, visit PEP.